Chapter 13: Letter

2836 Words
"Tao po. Delivery po," Katok ng nasa labas ng bahay ko. Agad akong tumalima para tingnan kung sino iyon. Nang matanaw ako ng nasa labas ay agad isang matamis na ngiti ang pinakawala nito. "Good morning po Ma'am. Kayo po ba si Ms. Gianne Guevarra," Paniniguro nito. "Oho, kuya. Ano po iyon?" Tanong ko naman. "Ma'am, delivery po." Lumapit ako at saka binuksan ang gate na halos hanggang leeg ko lang. Tinanaw ko ang inabot niya sa akin. Blue Tulips. "Kanino ho galing?" "May letter po sa loob Ma'am. Pakipirmahan na lang itong may check." Itinuro niya sa akin ang dapat kong pirmahan at saka umalis. Buong pagtataka naman ang bumalot sa akin. Kanino naman ito galing? May kasama pang isang maliit na kahon na hindi ko rin alam kung ano. Pumasok na ako sa loob upang matingnan ang sulat na sinasabi ng nagdeliver. Bumungad sa akin ang kulay asul na papel na nakatupi. May tatak ito ng tulips din sa harap nito. To you my Princess, I hope you had a great time last night. I just want to make sure you're okay. Eat the other box I gave. Don't forget your meals and please be healthy. I'll be away for two days. Take care of yourself while I'm not there. I wish I made you smile the way you make me. Ps: I miss you already. Did Darren sent a love letter to me? I laughed hysterically. Really. Did he what? Wala pa ako sa tamang pag-iisip dahil alas otso pa lamang ng umaga at araw ng linggo ngayon. Wala rin akong inaasahang bibisita, o mangungulit dahil araw ng pahinga. But this letter did that extra pounding beat against my chest. He was really sweet. Tumawa na lang ako nang tumawa habang nakatingin sa sulat niyang pinadala. Inabot ko ang bulaklak na nakalagay sa glass table ko. Nanglambot ang mga tuhod ko kung kaya naupo na rin ako. Napagod yata kakatawa. Doon ko na inalisang mabuti ang mga bigay niya. Wala namang okasyon. Wala rin akong nabanggit sa kanya na kung ano mang ganap ngayong araw. Napatingin na lamang akong muli sa mga pinadala niya pati ang sulat at bulaklak na parehas kong hawak. Inamoy ko ang mga bulaklak. Paano niya kaya nalaman na ito ang paborito ko? Napangiti na naman ako. Hindi ako makapaniwala talaga. Binuksan ko na rin ang kahon na kasama ng mga ito. Bumungad sa akin ang isang home-made pancake na nasa isang malaking plastic tupperware. Mayroon itong limang pirasong slice. Muli, isang ngiti na naman ang kumawala sa mukha ko. Nasurpresa talaga ako ni Darren. Siya pa lang ang nakagawa sa akin nito. Siya pa lang talaga. Hindi naman kasi mahilig si Lewie sa ganitong mga bagay. Isa pa nasa sekundarya pa lamang kami noon kaya wala naman kaming kakayanan para kumain sa labas, isurpresa ang isa't-isa kapag may okasyon o kahit man lang itong mga love letter na ito. Bumuntong hininga ako saka pinalis ang mga isiping hindi ko na dapat inaalala. Dapat din naman sigurong iwaksi ko na ang mga pangarap ko kasama si Lewie dahil hindi na kami magkakaroon pa ng pagkakataon. Isang buntong hininga ulit. Tumayo na ako ng tuluyan upang maghanda ng kakainin. Ngunit bago pa man ako makahakbang palayo sa sofa, tumunog ang selpon ko. Sinyales na may tumatawag. At sa isa pang pagkakataon, isang ngiti ang rumehistro sa aking mukha. Kinalma ko ang sarili at ilang buntong hininga ang pinakawalan bago sinagot ang tawag. "Hello?" Sagot ko ng tawag. "Hey," Sagot naman niya. Tila may kaba sa kanyang boses. Hinayaan ko lang magsalita pa siya ulit ngunit wala nang ibang salita ang lumabas sa kanyang bibig. Akon na lang din ang nagtanong, "Bakit ka napatawag?" "Just want to check on you if you're okay. Did... did you..." He trailed off. No words were coming out of his mouth. Huwag mong sabihin na isang Darren Khen Montero Chua ay kinakabahang itanong ang tungkol sa pinadala niya. Napangiti na naman ako. Sobrang ganda ng umpisa ng araw na ito kung tutuusin. "Bakit? Ano iyon?" Pagkukunwari kong hindi alam ang pakay niya. Bumuntong hininga siya. Kinalma ko rin ang aking sarili. Hindi rin ako dapat magpadala agad sa mga binibigay niya o sinasabi. Siguro ay dapat ilinya ko ang turingan naming dalawa. Kahit hindi niya sabihin, pagpapakita ng motibo itong ginagawa niya. At hindi ako dapat magpadala muna. Really, Gianne? Muna? So, may balak ka rin naman pala? Isa kang marupok! Ani ng isip ko. Napasampal na lamang ako sa noo. Bumalik ako sa sarili ng tumikhim si Darren bago magsalita. "Did you..." Hindi niya talaga matapos ang sasabihin. "Whatever. I'll be out for two days. Don't do anything stupid." He almost hung up when I stopped him. "Wait. Thank you," I sincerely said. "Bye. Keep safe". Alam kong sa kabila ng selpong iyon ay napangiti siya. At saka ko na tinapos ang tawag. Nagpasalamat na rin ako upang malaman man lang niya na nasa tamang tao napadala ang package. Nilapag ko na ang selpon at saka nagpunta ng kusina. Nagprepara ako ng umagahan dahil aalis ako. Nag-aya sila Kuya Pier, Kuya Liam at Ate Nadine dahil bagong pasok ako ng trabaho. Pasasalamat ko na rin iyon kay Kuya Pier at Kuya Liam dahil tinulungan nila akong makahanap ng mapapasukan. Inasikaso ko nang mabuti ang sarili. Kumain. Naligo. Nagbihis at naglagay ng kaunting make-up. Skirt and crop top with sling bag at white rubber shoes ang aking isinuot. Tinali ko din na bun style ang buhok ko at iniladlad ang full bangs ko. Huling tingin ng sarili sa salamin at saka ako lumabas ng bahay. Isinara iyon saka ako sumakay ng Grab na mga ilang minuto na naghihintay sa akin. Sinabi ko ang coffee shop na pupuntahan ko. Pagdating ko sa Double Dragon sa Pasay, agad akong nagtungo sa Coffee Bean. Pagpasok sa loob ay hinanap ko na si Ate Nadine dahil siya pa lamang ang nauna sa aming apat. Naipit kasi sa trapiko si Kuya Pier at Kuya Liam sa Magallanes. Nang makita ko si Ate Nadine, nagkatama ang aming paningin at kinawayan niya ako. Pero teka, bakit may kasama siya? Agad na akong pumunta sa kinauupuan niya. Isang mainit na yakap ang binigay ni ate Nadine. "Gianne, kamusta na?" Tanong agad niya. Naupo ako sa tapat niya habang palipat-lipat ang tingin ko mula sa kanya at sa katabi niyang lalaki. Bahagya ito may laman sa mukha pero kahit bilugan siyang tingnan ay kyut naman ito. Nakaakbay siya sa upuan ni Ate Nadine. Sa posisyon ng mga katawan nila, alam ko na ang ibig nitong iparating. "Siya nga pala. Si Dave. Boyfriend ko." Dagdag ni Ate Nadine. Mahahalata sa mukha niya na iilang buwan o linggo pa lamang silang magkasintahan. Tumango ako at nginitian ang lalaking katabi niya. Inabot ko ang kamay na inalok niyang makipagkamay. "Hi. Nice to meet you, Gianne." Ani ni Dave. Bumalik ang mga braso nito sa pagsandal sa upuan ni Ate Nadine. "Nice to meet you po," sagot ko naman. Pagkaupo ay agad namang sumusugod sila Kuya Pier at Kuya Liam. Nasa likod pa lamang sila ni Ate Nadine ay bakas sa mukha ni Kuya Liam na nadismaya ito. Lumipat-lipat rin ang tingin niya kay Ate Nadine at sa kasama nitong si Dave. Nang marating nila ang puwesto namin, agad kumindat si Kuya Pier sa akin na parang natutuwa pa. "Sorry we're late," Bungad ni Kuya Pier na siya namang kinalingon ng dalawang magkasintahan sa harap ko. Ako kasi ang nakaharap sa may pintuan at sila Ate Nadine naman ay ang siyang nakatalikod. Naupo na si Kuya Pier sa tabi ko. Wala nang nagawa si Kuya Liam kaya tumabi na siya kay Ate Nadine. Nagtataka naman akong inilipat ang mga tingin sa apat kong kasama. Si Kuya Pier ay nakatawa habang may tina-type sa selpon niya. Si Kuya Liam naman ay tahimik na siyang pinagtakhan ko. Habang ang magkasintahan naman at tila nag-uusap gamit ang mga mata. Kumislot ang selpon ko mula sa bag. Agad kong kinuha iyon. Tumanbad sa akin ang text ni Kuya Pier na may masasaksihan kaming mala-teleseryeng kaganapan. Puro naluluhang emoji habang tumatawa ang kasama sa text. Pinagmasdan kong mabuti ang mga kasama ko. Napaisip ako sa sinabi ni Kuya Pier. Ano kaya itong sinasabi niya? "Tara, order na tayo." Aya ni Ate Nadine. "Ako na oorder para sayo," tumayo na agad si Dave para umorder ng sa kanila ni Ate Nadine. Sumama na ako pati si Kuya Pier. Naiwan sa lamesa si Ate Nadine at Kuya Liam. Sinundan ko ng tingin si Dave. Magaling siyang magtago ng reaksyon ngunit hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata ni Kuya Pier ito. Lumapit sa akin si Kuya Pier at binulungan ako. "Bakit dinala ni Nadine 'yung lalaki niya?" Ako naman itong nalilito sa mga nagaganap. Wala naman nabanggit si Ate Nadine na may boyfriend na siya kung kaya tahimik lang ako kanina. "Bakit naman hindi Kuya Pier?" Nagmumukha na kaming nagtsitsismisan sa lagay na ito. Hinayaan lang namin maunang pumila si Dave. "Iyan ang dahilan kung kaya nagkasira si Nadine at Liam," sagot niya. Wait. Did they have a past? Nahuli agad ni Kuya Pier ang mga nagtatanong kong mata. "Ang hina mo naman makaramdam Baby Bunso. College palang tayo binabakuran na ni Liam si Nadine. Ewan ko ba sa babaeng iyan kung bakit ayaw kay Liam." Salaysay niya. Hindi ko alam iyon ah! Naging mas mapanuri ang mga tingin namin ni Kuya Pier. Naputol lang iyon nang magsalita si Dave. "Guys, sa table natin na ako maghihintay," batid ni Dave. Sabay kaming tumango ni Kuya Pier habang sinusundan ng tingin si Dave pabalik sa lamesang inaakupa namin. Ilang hakbang na lang ang layo ni Dave pabalik at siya namang biglang tayo ni Kuya Liam at nakayukom ang mga kamay. Nakatingin lang ito kay Ate Nadine habang ang isa naman ay nakatungo lang sa ibaba. Umalis kaagad si Kuya Liam at nilapitan kami. "Mauuna na ako." Ani niya. "Teka lang pare," tutol ni Kuya Pier. "Huwag ka namang ganyan." Bumuntong hininga siya saka umiling. "Hindi na lang. Hindi mo naman sinabi sakin na isasama ni Nadine 'yung lalaki niya." Nagngangalit ang mga ngipin niya. Sinyales na nagpipigil siya ng galit. "Ano ka ba naman pare? Masyado kang nagpapahalata. Tibayan mo loob mo," pang-aalo ni Kuya Pier. Napangiwi ako sa mga naririnig ko. Ganito ba mag-usap ang dalawang ito kapag tungkol sa babae? Nagtuturingan na nga rin naman kasi silang magkapatid. Sa tagal na ng kanilang samahan hanggang sa magkasama sa trabaho, malamang ay kabisado na nila ang isa't-isa. Mas lalong kumuyom ang mga kamay ni Kuya Liam. "Hindi ko kaya." Nagulat ako nang may namumuong maliliit na butil ng luha sa gilid ng mata ni Kuya Liam. Seryoso nga siya. "Sige ganito. Ubusin nalang muna natin itong bibilin ko pagkatapos sa Padis tayo dumiretso. Doon mo ilabas lahat iyan. Sa ngayon magpakaplastic ka muna. Huwag mong ipahalata na talunan ka. Hindi lingid sa kaalaman mong alam ni Dave kung sino ka kay Nadine." Paalala ni Kuya Pier. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa habang nagpapagaanan ng loob. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawala ni Kuya Liam. Ilang segundo pa ay mas malalim ang pinakawalan niyang hangin. Tumikhim siya bago magsalita. "Para sa pride ko," sagot niya. Tumingin siya sa akin. "Bunso, pwede mo ba ako samahang bumalik doon? Tulungan niyo muna akong makaalpas ngayong araw," pakiusap niya. Tumango ako ng sunud-sunod. "Tara, kuya." Sinamahan ko siyang bumalik. Napansin kong naninigas ang mga balikat niya kaya inakbayan ko siya. "Kaya mo yan, Kuya Liam". Pinabalik na kami ni Kuya Pier dahil siya na lang daw ang o-order para samin. Kinayag ko na si Kuya Liam. Nag-iisip na din ako ng mga puwede naming pag-usapan upang maiba naman ang atmosphere. Masaya akong naupo sa harap nilang tatlo. Marami akong tanong kay Ate Nadine at Kuya Liam ngunit hindi ito ang tamang panahon. Sa ngayon, nandito ako para pagaanin ang loob ng isa sa mga tinuturing kong Kuya. Ako na ang nanguna sa pagkukwentuhan. Isinalaysay ko sa kanila kung paano ako napasok kila Kuya Liam at Kuya Pier hanggang sa kung paano nangyare noong nagpunta kami ng Bicol ni Darren. Minabuti kong ialis sa detalye ang mga ilang parte na hindi na dapat pang ikwento. Ang ilan naman sa mga tinanggal kong detalye ay pinalitan ko. Katulad nang nag-stay kami sa hotel ngunit dalawang kwarto ang inakupa namin. Iyon ang sinabi ko upang hindi na sila magtanong pa. At ilan pang hindi na dapat pang ibahagi sa kanila. Masyado na nga naman itong personal. Hindi ko rin naman nais na malaman ni Darren na ibinabahagi ko sa iba ang dapat ay manatili lang sa aming dalawa. Ikinuwento ko rin kung gaano kasaya si Mama nang makakuha ako ng trabaho at mga iba pang bagay na may kaugnay sa trabaho. Nang dumating naman si Kuya Pier dala na ang order namin ay tinulungan niya ako upang mailihis ang pagiging awkward ni Ate Nadine at Kuya Liam sa isa't-isa. Makalipas lang ang tatlong oras, wala na akong maikwento sa kanila kung kaya napansin na rin iyon ni Kuya Pier. Nag-suggest siya na maglibot na lamang kami sa Mall of Asia dahil kaunting lakad na lang naman ay naroon na kami. Sama-sama na kaming sumakay sa sasakyan ni Kuya Liam. Land Cruiser naman kasi ito kung kaya kasya kaming lima. May dala ring sasakyan sila Ate Nadine at Dave ngunit nagsuhestiyon nalang si Kuya Pier na isang sasakyan na lamang ang gamitin dahil mahirap makahanap ng parking slot doon. Sumang-ayon naman ang lahat. Nang makarating na kami sa nasabing mall, nag-umpisa nang magliwaliw ang mga mata ko. Women's sections agad ako nagtungo. Kinayag ko si Ate Nadine kung kaya nakawala na siya sa hawak ng boyfriend niya. Doon na ako nakakuha ng pagkakataong tanungin siya. "Special sa akin si Liam. Pero kailangan ko munang sundin ang mga magulang ko. Sa iyo ko lang sinabi ito, Gianne. I trust you. Kahit na kamuhian ako ni Liam, huwag na huwag mong sasabihin sa kanya ang totoo." Pakiusap niya. Hindi niya na rin dinetalye kung bakit magulang niya ang dahilan o kung ayaw ba nito kay Kuya Liam. Pero isa lang ang masasabi ko sa mga nakikita ko. Mahal nila ang isa't-isa ngunit may balakid. Ang balakid na iyon ay magulang ni Ate Nadine. Minabuti kong huwag na mag-usisa pa sapagkat masyado na itong personal para makialam pa. Nag-ikot ako sa mga damit upang magtingin-tingin. Ngunit isang pamilyar na pigura ang natanaw ko mula sa malayo. Simpleng plain white t-shirt and khaki shorts na may kapares na itim na sapatos ang nakatalikod hindi kalayuan sa harap ko. Kilala ko siya. Darren. Napapitlag ako ng isang babaeng hindi ganoong nalalayo sa edad namin ang yumapos sa kanya. Niyakap nito ang braso niya at saka ngumiti ng pagkatamis-tamis. Ang libreng kamay ni Darren ay ipinatong niya sa ulo nito at kaunting ginulo ang buhok nito. Sumikip ang dibdib ko. Kumakabog ito ng pagkalakas-lakas. Nabibingi na nga ako. Napahawak ako sa dibdib ko. Naiyukom ko ang isa ko pang kamay. Namamasa ang mga mata ko. Kauting galaw pa may kung ano mang tubig ang tutulo na roon. Nakatayo lang ako doon na parang estatwa. Hindi makagalaw. Iniwan na ako ng lakas ko upang humakbang. Hindi ko alam kung palayo o papunta sa kanya. Hindi ko inaasahang pumihit paharap sa akin si Darren. Sa labis na bigla, wala na akong nagawa kung hindi panuoring dumampi ang mga labi ng babaeng iyon sa pisngi niya. Kasabay niyon ay siyang nagkatama ang mga paningin naming dalawa. Namumurirat ang mga mata niya. Nagulat siguro siyang naroon ako. Bago pa man humakbang ang mga paa niya, ang kaunting lakas kong naiipon ay siyang ginamit ko upang tumakbo nang mabilis. Sa sobrang bilis, narinig ko na lamang ang tawag ni Kuya Pier. Ngunit wala na akong pakialam. Gusto kong lumabas ng building na ito. Gusto kong huminga. Naninikip ang dibdib ko. Gusto ko ng hangin. Sa tulin kong tumakbo, aakalain na ng mga guwardiya dito na isa akong kawatan. Kaya nang malapit na sa pinto ay nagdahan-dahan ako ng takbo. Narating ko ang seaside kung saan nandoon ang mini-carnival. Tumawid ako ng tulay upang makaupo sa mga bato malapit sa dagat. Pagkadampi ng katawan ko sa upuang bato, doon na lumabas ang pagod kong hindi ko inalintana habang tumatakbo. Hingal na hingal ako. Napatulala na lang ako sa parang. Inaanalisang mabuti kung si Darren ba talaga ang nakita ko. Pinilig ko ang ulo ko. Sigurado ako siya ang nakita ko. Ilang mararahas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Sino ang kasama niya? Bakit mukha siyang masaya habang may kasamang iba? Hinawakan ko na naman ang naghuhumirantadong kabog sa dibdib ko. Ano bang nangyayare sa akin? Hindi ko pa man nasasagot ang sarili ay biglang kinilabutan ako sa boses ng taong nasa likod ko. "Why you're running away, My Princess?" And at that moment, I couldn't help myself but cry out that frustration inside my head. Why I am crying? ------ LadyMicadel @ 2020 ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD