Chapter 01

657 Words
SHE'S POV Last year lang ng iwan ako ng lola ko, kailangan kong kumayod para mabuhay, kaya naman huminto na ako sa pag aaral. Nag wowork ako sa isang cake shop dito sa syudad, ipinasok lang ako ng kaibigan kong bakla na si Poma. Alam nyo ba kung ano ang pinaka nakakainis kapag mahirap ka? Bumangon na ako mula sa banig na tinutulugan ko, lumapit ako sa bintana at binuksan ko ito para makita ko ang haring araw. Ang kaso may dalawang building na nag lalakihan sa pagitan ng munti kong bahay. Mahirap lang ako kaya nakakainis ang ganito di ba? "Nakakainis na talaga tuwing umaga!!!!!!!!!!!!!" malakas kong sigaw. Sa totoo lang palagi ko iyong isinisigaw tuwing umaga. "Heyyy!!!!!!!!!!!!!!!" boses ng isang lalaki. Lumingon lingon ako sa buong paligid pero, wala akong nakita na ibang tao. "Dito ka sa itaas tumingin." Sa 2nd floor, sa ikatlong veranda. Natulala ako sa lalaking naka tayo dito. Sapat na bang sabihin ko na isa syang napaka tikas na prinsipe. At sa ibaba nya ay nakatingin ang isang ambisyosang pulubi na katulad ko.. "Alam mo bang hindi lang ikaw ang naiinis tuwing umaga? Alam mo rin bang ikaw na ang nagiging alarm clock ko tuwing umaga, dahil dyan sa pag sigaw mo." "So.......... Sorry ho..............." Isasara ko na sana ang bintana ng muli syang mag salita. "Wait!!!!! Bahay ba iyan o kubo???" "Bahay kubo.....?" "Are you sure? So may singkamas ka dyan???" "Wala......." "talong???" "Wala...... teka, teka, walang tanim na gulay dito." "Okay." sabay alis nya. Isinara ko na ang bintana at nag ayos na ako para pumasok sa trabaho. Walang bago, dahil pag katapos mag pakabisi, mag papahinga naman. Gabi na ng mag sara kami, paalis na ako ng mautusan akong mag tapon ng basura sa likod. Napabuntong hininga nalang ako ng maitapon ko na iyong mga basura. Ibig sabihin lang kase na, makakauwi na ako at makakapag pahinga na. "Nakakapagod!!!!!!!!" "Ako ba ang kinakausap mo???" Napatingin ako sa nag salitang iyon at natulala na naman ako ng makita ko sya ulit. "Oh, ikaw pala kapit bahay." "Kapit bahay???" "Wait, basurera ka ba???" "Hinde......" "Okay." "Ma..... ma-maiwan na kita...." sabay alis ko. Mula ng gabing iyon, at sa tuwing mag tatapon ako ng basura, palagi ko na syang nakikita, pero hindi ko sya nakakausap. Di tulad nung una at pangalawa naming pag kikita. Araw ng Lunes, at day off ko, maaga akong nagising. Bakit ganun, kapag alam mong may mahalaga kang gagawin? Nakakatamad bumangon. Pero kapag wala naman? Daig mo pa ang maagang manok na tumitilaok na sa umaga. Agad akong dumiretso sa bintana, at binuksan ito. "Good morning kapit bahay, tsaa tayo?" naka ngiti nyang sinabi. "Salamat nalang." "Okay, pwede bang mag tanong???" "Sige???" "Wala bang ghost dyan???" "Wala, muka bang hunted house ang bahay kubo ko???" "Hindi naman???" nakakunot noo nyang sagot. "Ah.... Okay? "Wait kapit bahay, ikaw lang ba ang nakatira dyan???" "Oo???" "Okay." sabay alis nya. "Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang pangalan nya....." sa isip ko. Dumiretso ako sa CR at, nag hilamos. Hindi sa kubeta, kung di sa aking munting lababo. Ang planggana kong maliit. Sa totoo lang, kape nga wala ako, tsaa pa kaya??? Ang hirap maging mahirap. Buti pa talaga ang mayayaman pa tsaa tsaa nalang, samantalang ang tulad ko na isang mahirap lang, problemado pa sa pambili ng kape. "Kailan ba ako yayaman? kapag ba naging Zombie na ang lahat, tapos hahakutin ko ang pera ng lahat?..." "Alam mo na bang nakapasok ako, kaya nag tatanong ka ng ganyan???" "A, a-anong ginagawa mo dito??? Paano ka nakapasok???" "Tumalon ako mula sa veranda, at dumaan ako sa bintana mo." "Trespassing ka!!!!!!!!!!!!!!!!!" "Eh di, mag trespass ka din sa unit ko." "Bakit ka ba nandito???" "Nawala ka kase eh." "A-ako nawala???" "Oo, hindi pa kaya ako tapos mag tanong sayo." "Ayos ah, ikaw kaya iyong biglang pumasok sa loob." "Kumain kana ba?" "Hindi pa, bibili palang ako ng tinapay sa bakery." "Tinapay??? Anong klaseng tinapay???" "Kayo kaseng mayayaman, kayang bumili ng gardenia, kami namang mahihirap, pandesal lang ang kaya naming bilhin. Minsan nga paboritang maalat nalang kapag kinakapos." "Sinong may sabi sayo na mayaman ako???' "Ako, muka ka kaseng anak mayaman." "Iyong.. Parents ko ang mayaman at hindi ako.." malungkot nyang sinabi. "So.... Sorry...." "By the way, i'm Shojin Sen Zhuwhon, ikaw? Anong name mo kapit bahay ko?" sabay lahad nya sa kanang kamay nya. "Ya, Yanri Shiratori....." at nakipag kamay ako sa kanya. Iyon ang simula ng pagiging mag kaibigan namin ni Shojin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD