-Patrick- “Apo, kamusta na ba ang pakiramdam mo?” Tanong sa akin ni Lola Nelia ng pumasok ito sa silid ko na may kasamang dalawang katulong na may dalang pagkain para sa magiging agahan ko. Napangiti na lang ako ng makita ko itong ng magising ako. Ang inaasam ko sanang makita sa aking paggising ay si Paloma dahil sa namiss ko na rin naman ng sobra ang dalaga. Umayos ako ng upo ng sa ganoon ay makakain na rin ako at ayon sa aking Lola at halos tatlong araw akong walang malay dahil na rin sa nangyaring pagsabog sa kuta ng mga Velasco. Masasabi kong pangalawang buhay ko na rin naman ito dahil sa ang buong akala ko talaga ay katapusan ko na ng gabing yon. May tama rin ako sa balikat ng barilin ako ni Kevin, ng magkagulo na rin sa loob ng building na yon, inaalayan naman ako ng mga tauhan ni

