-Patrick- Madilim ang paligid na nakikita ko habang may mga babaeng sumasayaw sa harapan ko, hindi ko rin naman kilala ang mga ito at wala naman ako pakialam sa kanila. Ang mahalaga lang sa akin ay nabibigay nila ang gusto ko at saka ko na lang iisipin ang kinabukasan basta sa ngayon ay gusto ko na lang muna mag-ennjoy at kalimutan ang lahat. Ganito na ako mula ng iwan ako ni Paloma, hindi talaga bumalik ang babae para sa akin o kahit ang pakinggan man lang ako nito. Patuloy lang ako sa pag-inom at alam kong lasing na lasing naman akong iuuwi ng driver kong si Sabino na alam kong masama na rin ang tingin sa akin. Nakatayo lang ito sa gilid ko habang nakapaligid din sa akin ang ilang babae, naupo naman sa may kandungan ko ang isang babaeng maganda at maliit ang mukha maganda rin ang katawa

