-Patrick- Masakit pa rin ang ulo ko ng magising ako subalit hindi na rin naman ito tulad ng kahapon ng umuwi ako galing sa office. Umaga pa lang ay alam ko na rin na masama na ang pakiramdam ko at dahil sa naging busy ako buong araw ay nakalimutan kong uminom ng gamot sana ay hindi ako tuluyang lagnatin. Pero dahil narin sa sama ng loob ko sa ginagawang pag-iwas sa akin ni Paloma ay mas lumalala ang nararamdaman kong sama ng pakiramdam. Hindi ko naman masisisi ang dalaga dahil alam kong nakagawa ako dito ng hindi maganda at alam kong nabastos ko rin ito ng bigla ko na lamang itong halikan ng hindi nito inaasahan. Hindi ko lang talaga mapigilan ang pananabik kong muli itong mahagkan kaya nakagawa ako ng isang bagay na labis naman nitong ikinasama ng loob. Patayo na sana ako ng may malagla

