-Pamela-
Masakit ang ulo ko ng magising ako, wala pa ako sa aking sarili ng bumangon ako sa higaan. Nagpupunas pa ako ng aking mukha ng mapatingin ako sa paligid at dahil mukhang nasa ibang lugar ako ngayon at hindi ko ito kuwarto. Muli pa akong pumikit ng sa ganoon at baka namamalik-mata lang ako at babalik din ako sa tamang kuwarto ko. Subalit nakailang ilang pikit mata na ako ay wala pa rin nagbago at andito pa rin ako sa isang kuwarto na hindi pamilyar sa akin. Napasinghap pa ako ng mapagtanto kong wala akong suot na kahit na anong damit at masakit ang ibabang bahagi ng aking katawan.
“Pamela, anong ginawa mo? Lagot ka ngayon sa Nanay mo kabilin-bilinan pa naman n’yang h’wag mong ibibigay ang perlas hanggan’t hindi ka naikakasal, lago kang bata ka ngayon.” Naiinis kong salita sa aking sarili na ikinailing-iling ko pa. Halos sabunutan ko na rin ang aking sarili dahil sa nagawa kong mali sa aking katawan ang tagal kong inalagaan tapos kukunin lang ng kung sino. Nasa ganoon akong pag-iisip ng makarinig ako na parang mag naliligo sa loob ng isang banyo, minabuti kong kunin na lang lahat ng aking gamit at isinuot ng hindi ako gumagawa ng akhit na anong ingay at baka malaman pa ng lalaking kasama ko kung sino ako. Hanggang sa napatingin pa ako sa picture na nasa side tabe nito at nanglaki pa muli ang aking mata ng makita kung gaano ito kagwapo. Napakagat labi na lang ako hanggang sa tuluyan na rin akong umalis sa lugar na iyon at maingat kong binuksan ang pinto ng kuwartong yon hanggang sa makalabas ako ay namamadali naman ko namang hinanap ang pinto palabas sa malaking pad na yon.
“Grabe naman ng nangyari sa akin ng araw na ito, at sino kaya ang lalaking yon dahil base sa maganda nitong lugar ay masasabi kong mayaman din ito” Napasampal pa ako sa aking iniisip dahil kahit anong gawin ko ay nakuha pa rin nito ang aking p********e na hindi man lang alam. Nasa loob na rin ako ng taxi at alam kong para lang akong baliw dahil sa pagsasalita ko ng mahina, napapatingin pa sa akin ang driver subalit hindi ko na lang muna ito pinansin pa dahil parang sasabog ang utak ko ngayon dahil sa dami ng iniisip ko ngayon sa utak ko. Halos walang buhay akong pumasok ng apartment ko at dahil sa wala ako sa aking sarili at hindi ko namalayan na nasa loob din pala ng apartment ko si Gina na best friend kong sobrang supportive sa akin, pero ewan ko lang kung supportahan pa ako nito kapag nalaman nito ang nangyari sa akin kagabi.
“At saan ka galing magaling na babae na ayaw sumagot ng mga tawag, aber?” Mataray nitong sermon sa akin ng mapansin kong nakatayo na rin pala ito sa harapan ko.
“Gina, anong ginawa mo dito?” Balik tanong ko dito na ikinataas naman nito ng kilay sa akin.
“Ako ang unang nagtanong kaya sumagot ka ng ayos yan, Pamela?” Naiinis na nitong turan sa akin kaya naman napakamot na lang ako sa aking ulo dahil mukhang hindi ito paaawat ngayon.
“Nakitulog lang ako sa isang kaibigan, nalasing kasi ako at hindi ko na rin namalayan ang oras. Pasensya na saka hindi ko naman alam na pupunta ka dito eh.” Sagot ko dito at napapacute pa ako dito ng sa ganoon ay hindi na ito magtanong pa sa akin. Napabuntong hininga na lamang ito akin at naupo sa tabi ko.
“Ang hilig mong natutulog sa ibang bahay samantalang may sarili ka namang apartment. Hindi mo ba talaga titigilan yang pagiging party girl mo sa gabi at alam mo bang nagiging laman ka na ng buong bar dito. Kababae mong tao pero daig mo pa ang lalaki sa paglaklak ng mga alak, pinaaalahan lang kita baka mamaya magising ka na lang na nakuha ng kung sino yang pagkav*rginity mo na hindi moa lam.” Paliwanag nito sa akin na ikinaubo ko naman hawak ang kape nitong ininuman na rin naman nito.
“Pamela, ayos ka lang ba?” Nag-aalala nitong tanong sa akin dahil talagang naibuga ko ang iniinom kong kape at mabuti na lang at hind isa mukha nito dahil siguradong malalagot talaga ko dito.
“Oo, ayon lang ako. Nagulat lang ako sa mga pinagsasabi mo, saka h’wag kang mag-alala dahil hindi yon mangyayari sa akin dahil kilala ko naman kung sino ang mga nakakasama ko.” Salita ko dito at saka ako tumayo para pumunta sa may kusina at naghilamos ako dahil nakakaramdam ako ngayon ng pagkaguilty para sa pagsisinungaling ko sa aking matalik na kaibigan.
“Ano nga pala ang pinunta mo dito. Gina?” Tanong ko dito at nagkuwaring may hinahanap sa wala naman laman kong refrigerator. Napapakagat pa ako sa aking labi dahil sa mukhang hindi pa rin naman ito aalis sa apartment ko.
“Actually, kahapon pa sana kita gustong makausap kaya lang ay mukhang wala ka naman dito ng dumaan ako. Kaya naisip kong ngayon na lang muna kita balikat para sabihin s’yo ang magandang balita na alam kong ikakasaya mo.” Masayang salita nito at lumapit sa may mesa para rin maupo sa may upuan roon.
“Ano yon?” Tanong at saka nilingon ko ito.
“Trabaho” Simpleng sagot nito at saka tumingin sa akin ng makahulugan habang ang pinasalikop nito ang kanyang dalawang kamay at doon pinatong ang kanyang baba.
“Anong klaseng trabaho naman yan?” Sagot ko dito at saka kumuha ng tubig na malamig dahil mukhang ano mang oras ay masusuka ako, at mukhang paputok na rin ang hangover ko at need ko na rin maligo dahil nakakaramdam ako ng lagkit sa aking katawan.
“Ok ganito, di ba alam mong nakaleave ako ng almost five months sa work ko. At naghahanap sila ng magiging kapalit ko pangsamantala, kaya naman naisip kong baka pwde ikaw na lang muna ang pumalit sa akin ng sag anon ay mas madali kong maituro ang mga bagay na kailangan mong matutunan. Saka h’wag kang mag-alala dahil sa tingin ko naman papasa ka sa boss kong woman hater, at mukhang bagay kayong dalawa kasi pareho n’yong hate ang isa’t-isa.” Paliwanag nito sa akin na ikinatingin ko naman at iniisip kung tatanggapin ang offer nitong trabaho sa akin.
“Ibig sabihin maging secretary ako ng boss sa loob ng halos limang buwan, ganon ba Gina?” Paninigurado ko dito at nakita kong tumango naman ito sa akin.
“Sige na best, pumayag ka na five months lang naman yon at mabilis lang ang buwan na yon. Kung hindi lang kailangan ni Papa na samahan ko ito sa ibang bansa para mapatignan ay hindi naman ako magleleave sa trabaho ko, kaya lang sa ngayon mas kailangan kong unahin si Papa alam mo naman s’ya na lang ang meron ako ay hindi kaya kung maaga itong mawawala sa buhay ko.” Sambit nito sa akin at hinawakan pa nito ang aking kamay.
“Hindi ba bastos ang boss mo? Kilala moa ko Gina, walang preno ang kamao ko oras na may gawing hindi maganda yang lalaking boss mo na yan.” Sagot ko dito at ipinakita ko pa dito ang aking kamao ng sa ganoon malaman nitong may kakalagyan ang boss nito sa akin oras na tanggakan ako nito ng hindi maganda.
“I swear, mabait ang boss ko at wala kang magiging problema don dahil hindi ang tulad mo ang magugustuhan noon. Saka ang alam ko naka arrange marriage na yon sa isa sa mga anak na babae ng mga Población, hindi lang ako sigurado kung sino sa mga yon.” Tugon nito sa akin at saka kinuha nito ang isang paper bag na inilagay nito sa ibabaw ng mesa at parang naglaway ako sa masasarap na pagkain na nasa aking harapan.
“Alam kong hindi ka pa kumakain kaya nagdala ako ng almusal para s’yo.” Masaya pa nitong salita sa akin, napatigil naman ako sa pagkuha dahil mukhang inuuto naman ako ng kaibigan kongi to.
“Ano ‘to suhol?” Darechong tanong ko dito na ikinatawa naman nito ng malakas.
“Pwde kung iyon ang gusto mong isipin.” Salita nito sa natutuwang boses. Sinamaan ko naman ito ng tingin ngun’t itinapat lang nito ang pan cake sa bibig ko n amabilis ko rin naman kinain.
“Saka alam kong wala kang pagkain dito dahil nakita kong puro tubig ang laman ng ref mo. Wala ka ding pera na pambili ng pagkain mo kaya kailangan mong tanggapin ang trabhong inaalok ko s’yo dahil baka kahit tubig ay wala kang pambili.” Dag-dag pa nitong pang-iinsulto sa akin na ikinanguso ko lang naman dito.
“Ang sama mo kaibigan ba talaga kita? Ang lupit na nga ng mundo sa akin pati ba naman ikaw?” Inis kong tugon dito at saka kinuha ang plato sa harapan nito para kumain na lang dahil talagang gutom ako ngayon dahil sa kagabi pa akong wala kang kain.
“Sige, papayag akong pumasok yan sa boss mong mukha naman pinalihi sa sama ng loob. Pero sa isang kondisyon.” Banggit ko dito habang puno pa ng pagkain ang aking bibig.
“Sige ano yon?” Mabilis naman nitong sagot sa akin na ikinangisi ko naman dito.
“Hindi ako pwdeng magtrabaho ng week ends na tulad ng ginagawa mo. At saka bawal akong tawagin sa phone oras na nakauwi na ako ng bahay. At higit sa lahat hindi ako sasama sa ibang bansa para sa meeting ng boss mong yan, maliwanag ba?” Nanininggit pa ang mata kong nakatingin dito habang sinasambit ang mga kondisyon ko sa magiging boss ko.
“Ok, sure. Ako na lang bahalang magsabi sa boss ko. So, paano deal na tayo ha, maaga ka sa Monday at h’wag kang malalate alam mo naman kung saan ang lugar na yon di ba?” Sambit nito sa akin at saka naglakad para kunin ang kanyang handbag sa may sala at saka napaalam na aalis na rin naman ito.
“Oo, darating ako basta sumunod ka sa mag kondisyon ko ha.” Seguristang sagot ko dito humalik naman ito sa aking pisngi at saka lumabas na rin ng aking apartment, pagkasara ko ng pinto at para naman akong kandilang unti-unting nauubos at bumalik sa aking diwa ang mga nangyari kagabi at kung sino nga ba ang lalaking nakatalik ko kagabi. Naligo lang ako at saka natulog dahil ramdam kong lalagnatin ako kapag hindi ko pa ipinahinga ang katawan ko ngayon.
Halos gabi na rin ng magising ako at tulad nga ng inaasahan ay sumama na rin ang pakiramdam ko dulot siguro nito ng pagkawala ng v*rginity ko noong isang gabi, naluluha pa akong tumayo dahil alam kong wala na rin talaga ako magagawa at walang lalaki ang tatanggap sa akin ngayon dahil sa bawas na rin ang p********e ko. Tumayo ako para bumangon at uminom ng gamot, ngun’t nakalimutan kong wala rin pala akong stock na gamot dito sa apartment ko dahil sa hindi rin naman ako sakitin. Napatingin naman ako dsa wallet ko na may lamang isang libong piso na magiging budget ko sa susunod kong trabaho. Palabas na sana ako ng aking apartment ng mapansin kong may nakalagay palang paper bag sa isa pang bangkuan na naroroon. Nilapitan ko iyon at muling tumulo ang luha ko dahil sa gamot iyon at may nakalagay na sobre na may lamang halos limang libong peso at mukhang sadyang iniwan ni Gina kanina dahil sa mukhang kakailanganin ko.
Ibang klase din ang kaibigan kong yon kahit na alam nitong gipit din s’ya ay nagagawa pa rin nitong bigyan ako kahit papaano. Napangiti pa ako habang nasa kandungan ko ang paper bag na iniwan nito sa akin ngayon. Naiisip kong ang suwerte din ng kaibigan kong yon at kahit pa may sakit ang kanyang ama ay nagagawa pa rin n’yang ipagamot ito kahit pa wala na rin matira sa kanya. Nag-iisang anak lang ito at nasawi ang kanyang ina sa panganganak sa pangalawa sana n’yang kapatid ngun’t sabay lang itong kinuha sa kanila dahil na rin sa mahina ang puso ng sanggol ng isilang ito ng kanyang ina. Don nakita kung paano mas nahirapan si Gina, tapos sabayan pa ng boyfriend nitong mangloloko, kaya naman hindi ako umalis sa tabi nito hanggang sa makabawi na ito sa matinding pagsubok na pinagdaan nito. Masuwerte na nakapasok din ito sa isang company at nagtagal doon ng ilang taon. Sana lang ay makayanan ko ang trabaho nito dahil balita ko sobrang suplato daw ng boss nito at palaging pikon sa maraming bagay.
“Good luck na lang sa akin” Sambit ko sa aking sarili at saka bumalik sa pagkakatulog ng sa ganon ay maging maayos na rin ako sa susunod na araw dahil sa ayokong mapahiya ang kaibigan ko sa boss nitong pinaglihi sa sama ng loob dahil sa palaging nakasimangot ang mukha.