-Kevin- Masaya na sana ang araw ko dahil nakakasama ko na ngayon si Paloma, at alam kong malaki ang magiging pag-asa ko sa babaeng crush ko na rin naman ngayon. Napapangiti pa ako sa kawalan dahil nasa tabi ko ito ngayon, subalit parang bumagsak ang mundo ko ng malaman kong si Partick Sandoval ang boss nito. Hindi naman sa may galit ako sa lalake pero nakita kong may pagtingin din it okay Paloma, at alam kong mas nakakalamang ito sa akin dahil sa dito nagtatrabaho ang babae at secretary pa niya ito. “Paloma, matagal ka na bang nasa kompanya ng mga Sandoval?” Curious kong tanong dito habang naglalakad kami palabas ng building ng mga Sandoval. “Hindi naman, bago pa lang ako sa kompanya nila at plano ko na rin naman umalis pagnatapos ang kontrata ko sa kanila.” Baliwalang sagot nito sa aki

