-Paloma- Kasalukuyan akong andito sa loob ng aking sariling kuwarto dito sa mismong hotel na pag-aari ng boss ko na si Mr. Sandoval. Kanina ng lumapag ang eroplanong sinasakyan namin ay hindi ko talaga alam kung anong klaseng lugar ang aming pupuntahan. Well, alam ko namang America ang destination namin ngayon, pero s’ympre nag-aalala pa rin ako dahil sa hindi koa kabisado ang lugar na ito at take note wala man lang akong kahit na anong papel na dala o kahit man lang passport. Magtatanong pa sana ako kanina dahil mukhang wala naman ito pakialam alam sa akin subalit pinigilan ko ang aking sarili dahil nakikita kong sobra itong busy at pagod. Nanahimik na lang muna ako kanina sa loob ng kotse hanggang sa sabihin nitong sa isang hotel kami tutuloy at mas nagulat pa ako ng sabihin nitong s’ya

