-Patrick- Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magkakilala sina Enzo at si Paloma? At hanga talaga ako sa babaeng yon dahil kaya n’yang sumagot kay Enzo ng ganon-ganon na para bang hindi talaga ito natatakot sa kaibigan ko kahit pa alam nitong isa pang mafia lord ito. Sa totoo lang ay ako ang natatakot para dito kasi kilala ko si Enzo na maikli ang pasensya at siguro kung hindi lang alam nito na gusto ko ang babae ay kanina pa rin ito nakabulagta sa harapan namin. Ang mas ikinagulat ko pa ay ang ginagawa nitong pagluhod at hiningi nito ang kalayaan ng kanyang kaibigan na si Mercy. Subalit isang matigas na tao si Enzo at hindi ito basta nadadala sa mga salitang pangdrama na napapanood lang sa mga telebisyon. “Hindi ko hahayaan na makawala sa poder ko ang taong pumatay sa ba

