-Patrick-
Hinuli ng mga police si Mrs. Flores at mukhang nawala din ito sa kanyang sarili ng dalawin ko ito sa kulungan at kasama ko si Wilson para ipaalam dito ang libing ng kanyang anak na si Camille, wala itong naging tugon sa aming dalawa at nakatulala lang din ito sa kawalan. Maging ang mga attorney nito at hindi din daw nito kinakausap o hinaharam man lang, kaya naman nagrequest na rin sila para mapatignan ang medical condition nito sa kulungan. Hanggang sa lumipas pa ang ilang buwan ay nahatulan ito at makukulong ito na naayos sa binigay ng batas na taon dito. Masakit man sa akin pero alam kong kasalanan din naman nito kung bakit ito ngayon nasa ganoong klaseng kulungan. Sa mga lumipas na buwan ay naging maayos ang pamamalakad ko sa lahat ng negosyo na meron, natigil na rin ang mga Velasco sa pakikipagkompitansya sa akin. Pero alam kong ngayon lang ito dahil kilala ko ang mga ito na bigla na lang ito susugod oras na may makita silang pwdeng gawing panglaban sa akin. Napatuloy ako sa aking ginagawa at mas lumago at umunlad ang lahat ng negosyong meron ako ngayon kahit pa sabihng nasa ibang bansa ang iba.
“Grabe naman ang manhid mong tao ka, nagawan ko ng paraan ang malaking problema na hindi mo mabigyan ng solution…tapos ok lang ang maririnig ko s’yo. Tao ka ba, dude?” Naiinis na turan sa akin ni Wilson ng makapasok na rin kami ngayon sa office at masama ang loob nito sa akin dahil sa wala akong naging sagot sa lahat ng naging tanong nito sa akin. Sa mga nagdaang buwan at muli kaming nagkaroon ng problema subalit hindi naman ganoon kalala kaya naman baliwala na lang din sa akin ang ginawa nito ngayon.
“Alam kong magagawan mo ng paraan ang lahat bagay at saka alam mo ring malaki ang tiwala sayo. Saka ano pa ba ang gusto mong marinig sa akin eh, alam ko naman na masaya ka na ngayon dahil sa muli kayong nagkita ng paborito mong pet girl?” Walang imosyon kong tugon dito na ikinangiti lang naman nito sa akin dahil sa nabanggit kong muli na nagkita ni Sabina na ex-girlfriend din nito. Sa totoo lang hindi ko na rin alam kung ilang babae na ba ang nagdaan sa kamay nito na hindi ko na rin mabilang pa.
“Alam mo sa lahat ng kaibigan ko ikaw lang ang nakakapagsalita sa akin ng ganyan. At list ako may love life at nararanasan ko ang luto ng langit, ikaw hanggang ngayon v*rgin ka pa rin. Kalalaki mong tao takot ka sa kahit na anong commitment? Alam mo sa tingin ko may kalyo na rin yang kamay mo sa pagsasarili mo dahil mukhang malib*g ka rin naman, ayaw mo lang ipakita sa ibang babae. Dapat nag e-explore ka na ngayon aba malapit ka na rin naman mawala sa kalindaryo ha.?” Natatawa pa nitong sambit at saka lumapit para akbayan pa ko. Nagulat man ako sa mga sinabi nito ngun’t hindi ako nagpasalata dahil alam kong malakas ito mang-asar lalo na sa hindi ko kasing hilig nito sa babae. Nakita naman nitong sumama ang tingin ko kaya nagawa nitong lumayo sa akin at saka itinuloy ang kanyang tawa.
“Tigilan mo ako Wilson, kung ayaw mong kalimutan ko ang ginawa mo kanina.? Saka ano bang pake mo kung ayaw kong kumuha ng mga babaeng panandalian lang, wala ka paring pakialam sa buhay ko kahit pa sabihin kaibigan kitang h*yop ka.” Pagalit kong sagot dito na ikinatigil rin naman nito sa kanyang pagtawa.
“Ok, sige na nga hindi na kita aasarin pa, basta pumunta ka mamaya sa lugar ni Lloyd at broken hearted daw ang isang yon at kailangan daw ng kainuman ng mokong na yon. H’wag mong subukan na hindi pumunta at baka pasabugin ng mokong na yon ang bagong factory mo na malapit lang din sa office n’ya.” Pahabol pa nitong salita bago umalis at lumabas ng aking office. Hindi na rin nito nakita ang aking pagtango dahil sa nakatalikod na rin ito ng lumabas. Napapailing pa ako dahil mukhang mapapainom naman ako nito mamaya, wala pa naman akong balak uminom kasi mas gusto ko pang matulog kaysa ang tumambay sa mga ganoong klaseng bar. Ito ang isang bagay na hindi ko talaga hilig ang uminom at maging tambay sa mga bar na kung saan madalas ang mga kaibigan ko.
Wala akong panahon sa mga ganoong klaseng lugar at mas gusto ko na lang muna talagang magpahinga at umuwi sa bahay ko at magluluto ng masarap na hapunan. Wala akong kahit na isang katulong sa maganda at malaki kong bahay dahil ayokong maraming tao ang nakikita sa paligid ko lalo na kung gusto ko lang naman magpahinga. Saka madalas kasing nakaboxer short lang at walang suot na pang-itaas kapag nasa bahay lang naman ako at walang pasok sa office. Si Lola Nelia kasi ay nasa may Benguet nakatira dahil sa hindi rin naman nito maiwan ang lupang kanyang minana roon, saka matanda na rin ito at hindi na rin kaya ng kanyang katawan ang malayo-layong bayahe kaya madalas ay ako na lang ang pumupunta dito sa tuwing gusto ko itong dalawin o sa tinapatawag ako nito. Napapahilot na lang ako sa aking batok dahil sa hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi.
Tapos ay malapit na rin pala ang leave ni Ms. Garcia ang secretary ko at hanggang ngayon ay wala pa rin akong nahahanap na kapalit nito na hindi dadag-dag sa akin ng aking ulo. Halos lahat kasi ng babaeng nag-aapply at hindi naman trabaho ang hanap kung di para lang atikin at gumawa ng mga bagay na sa tingin nila at magugustuhan ko. Napapalapit na ang pag-alis nito kaya naman talagang sumasakit ang ulo ko kung saan ako makakahanap ng ipapalit dito pangsamantala at mabilis na matutunan ang lahat ng ginawa ni Ms. Gracia na hindi ko na rin pwdeng turuan pa kung sakali. Nasa ganoon akong pag-iisip ng bigla namang may kumatok sa pintuan ng aking office at pumasok ang aking secretary na si Ms. Garcia na seryoso at mukhang may dalang bagong trabaho para sa akin.
“Sir, narito na po ang lahat ng mga bagong applicant na pwde mainterview ngayon sa HR at ng sa ganoon po ay makahanap na rin po kayo ng pangsamantalang papalit sa akin, naiayos ko na rin naman po ang lahat ng magiging trabho n’ya sa loob ng limang buwan. Pasensya na po kayo Sir, kung na stress po kayo sa five months leave ko need ko lang po talagang samahan ang Papa ko sa ibang bansa at alam n’yo rin naman pong ito lang din ang magiging absent leave ko mula po ng pumasok ako sa inyo at maging secretary n’yo ng ilang taon.” Nahihiya pa nitong salita sa akin na ikinatango ko lang din dito at saka kinuha ang dala nitong folder na may lamang mga bagong applicant. Isa-isa ko ulit silang tinignan at mukhang wala akong magustuhan isa man roon.
“Wala akong nakikita sa mga applicant na yan na pwde ko silang maging secretary, tignan mo lahat sila mapang-akit ang ngiti at tingin, maging sa kanilang pananamit at hindi makakaakila na hindi trabaho ang kanilang gusto kung di may ibang bagay na gutong makuha. Sa totoo lang ay ikaw lang din naman ang nagtagal sa akin ng ganitong katagal dahil alam kong hindi mo ako type, at mukhang hindi rin na naman ang tulad ko ang gusto mo?” Salita ko dito at nakita kong napangiti na lang din ito sa akin.
“What?” Tanong ko dito ng mapansin kong may ibang ngiti ang ibig nitong sabihin sa akin.
“Sir, hindi ko naman sinabi na hindi ko kayo nagugustuhan o hindi ko kay type pero ayokong ihalo ang trabaho sa personal kong feeling sa inyo bilang boss ko. Pero hindi sumagi sa isip ko na akitin kayo dahil hindi naman ako ganoon kababang babae, ok na sa akin na nakikita kayo at nakakasama sa mga meeting pero kung sasabihin na mas hihigit pa don ay hindi ko na po iyon maibibigay Sir. Boss ko kayo at iginagalang ko kayo saka alam kong may nakalaan para sa inyo at hindi ako yon. Kaya naman mas pinili kong galingan na lang sa trabaho ng sa ganoon ay matulungan ko kayong mapagtagumpayan ano man po ang gusto n’yo sa buhay. Saka crush ay paghanga at nawawala din naman sa paglipas ng taon.” Turan nito na sa akin na ikinatango ko na lang din naman dito. Ito ang isang bagay na hinangaan ko dito ang pagsasabi ng totoo na hindi man lang ito nahihiya. Magsasalita na sana ako ng biglang tumunog ang phone nito at sumenyas pa ito sa akin ng sandali lang at sasagutin lang nito ang tawag. Hinayaan ko naman ito at mukhang importante sino man ang kausap nito. Sinasabi ko na nga ba na kahit kaylan ay hindi ako nakita nito bilang lalaki kung di boss n’ya na kailangan lang nitong sundin.
“What? Natanggal ka yan sa trabaho mo? Ano ba naman yan Pamela ilang trabaho na bang inalisan mo alam mo namang mahirap maghanap ng trabaho ngayon tapos ikaw lalayasan mo lang? Ano ba kasi ang hanap mo, ha?” Naiinis nitong sagot sa kabilang linya lumayo pa ito ng konti at mahina na rin ang naging tinig nito na umabot naman sa tenga ko. Hindi ko naman mapigilan ang hindi mapatingin dito at nakikita kong problema din ito sa kanyang kausap. Pero hindi ko alam subalit parang gusto kong itanong dito kung sino nga ba ang kausap nito at aaminin kong intrisado ako sa kanilang pinag-uusapan. Hanggang sa ibaba na rin nito ang kanyang tawag at tumingil sa akin na nahihiya.
“Sorry po Sir. May emergency kang po sa isa sa mga kaibigan kong pasaway.” Mahina nitong salita sa akin at saka muling umayos sa aking harapan.
“Sa tingin mo ba Ms. Garcia makakahanap pa ako ng tulad mo at kaya hindi magkagusto sa akin sa loob ng ilang buwan?” Baliwalang tanong ko dito at hindi ko naiiisip kung bakit ko nga ba iton nabanggit dito.
“Sa tingin ko naman po Sir, may mahahanap kayo. Lalo na kung kikilatisin mo muna sila ay susubukang papasukin dito bilang secretary n’yo po, Sir.” Seryoso naman nitong tanong, hanggang sa muling tumunog ang phone nito na ikinasimangot na rin nito.
“Wait lang po Sir. Sasagutin ko lang itong pasaway na’to.” Sambit nito at saka muling kinausap ang kabilang linya, nakita kong napalayo naman ang phone nito sa kanyang tenga dahil sa mukhang napalakas ang boses ng kausap nito. Napapangiti pa ako dahil mukhang kasundo naman nito ang kanyang kausap.
“Pwde ba, hinaan mo yang boses mo at andito ako sa office ng boss ko. Ang ingay mo talaga Pamela, sige na umuwi ka na lang muna at pupuntahan kita mamay ng sa ganoon ay mapag-usapan natin yang problem among walang katapusan.” Nanggigigil na rin nitong sambit sa kabilang linya at saka pinatayan ang phone nito. Bumalik ito sa aking harapan at mukha na itong problemado ngayon.
“Hindi naman sa nakikialam ako sa personal mong buhay, pero pwde ko bang malaman kung sino ang kausap mo?” Kunwaring baliwala kong tanong dito, nagulat pa ito subalit tinignan ko lang ito ng walang imosyon.
“Ah, kaibigan ko at bestfriend iyon si Pamela. Umalis daw po ito sa bago nitong pinasukan na dental clinic para maging assistance, dahil sa bastos daw po kasi ang doctor na kasama n’ya kaya po sinuntok n’ya ng hinawakan po s’ya sa hita, Sir. Medjo may pagka amasona rin kasi ang isang yon at man hater din po iyon kaya po hanggang ngayon ay hindi pa rin po nagkakaroon ng boy-friend.” Pagkukuwento nito sa akin at saka naman nito kinuha ang ibang folder na nasa harapan ko para irecord sa kanyang mga files. Ganito kasipag si Ms. Garcia kaya naman mas napapadali ang trabaho ko ng dahil sa kanya at kahit na week ends ay nagtatrabaho pa din ito oras na ipatawag ko ito. Hindi lang ito sumama sa ibang bansa dahil sa wala itong mapagkakatiwalaan na mag-alaga sa kanyang ama na stroke na rin sa ngayon.
“Bakit hindi na lang s’ya ang ipasok mo dito ng sa ganoon mas madali mong maituro sa kanya ang mga bagay na pwde n’yang matutunan sa naging trabhao mo/ Hindi ka pa maiilang dahil kabisado mo naman siguro ang galaw n’ya di ba? Saka amasona kamo s’ya baka sakaling maging tulad mor rin s’ya na hindi ko magugustuhan di ba? Sa tingin ko magiging maayos s’ya dito lalo pa at kaibigan mo naman pala ito. Hindi rin naman ako bastos kaya sa tingin ko magkakasundo naman kami nito, na tulad nating dalawa.” Salita ko dito habang nakatututok sa laptop ko ang aking mata at kunwaring may binabasa doon.