ETHAN DE MERCEDES “’NAK, SA BAHAY na lang kayo mag-dinner ni Winter. Naghanda ako rito para sa inyo.” Napangiti naman ako nang mabasa ang text sa akin ni Daddy. Saktong hindi pa kami umalis ni Winter dahil naghahalikan pa kami nang matindi rito sa loob ng sasakyan. Nakapatong nga siya sa akin dito sa driver’s seat. Iba iyong halikan namin ngayon dahil may halong gigil. Ilang beses nga ako napapaaray dahil sa kagat niya sa dila ko. Pero hindi namna siya lugi sa akin dahil mas maraming beses ko rin siyaang kinagat at sinipsip. Ang galing ko kayang humalik. “Si Tito Kurt ba ’yan?” tanong ni Winter. “Oo, sa bahay raw tayo kumain. Mabuti hindi pa tayo nakaalis.” “Wow! Ang supportive talaga ng future daddy ko. Kaya nga, mabuti talagang naghalikan pa tayo,” nakangiti niyang sabi. “Tara na.

