KURT DE MERCEDES NANDITO AKO SA office at abala sa ginagawa ko. May tinapos kasi akong business proposal. Sana matuwa at magustuhan nila ang pinaghirapan ko. Kalahati ng report ay nabasa na ng anak ko. In-edit na rin niya ang sentences sa ginawa ko. Nakakatuwa lang ang anak ko, sa murang edad niya ay magaling siyang mag-ayos ng mga salita. May ilang parte rin siyang binago na sa tingin niya ay pwede pang dagdagan dahil para sa kanya ay kulang. Ang sabi niya kasi sa akin kung siya raw ang investor ay tatamarin siyang basahin ang whole proposal na ginawa ko. Sa company, iyon ang iniiwasan naming mangyari. Habang abala sa harapan ng laptop, nakita ko si Ethan na dating kasintahan ko. Huminto siya sa tapat ng pinto ko na gawa sa salamin. Ipinakita niya sa akin ang dala niyang paper bag na s

