ETHAN DE MERCEDES “ETHAN DE MERCEDES,” sambit ng emcee. Actually, second to last ako sa tinawag. Amg first dance niya ay Daddy Kyro niya at panghuli naman ang isa pa niyang Daddy. Si Tito Ethan. My tukayo. Nang tumayo ako sa kinauupuan ko, nagsigawan ang lahat. Maaaring dahil sa kapogian ko. Hindi naman lingid sa aking kaalaman na iba ang kaguwapuhan na meron ang nag-iisang si Ethan De Mercedes. Napailing-iling na lang ako nang maalala na poging-pogi na naman ako sa sarili ko. Pagdating ko sa kinatatayuan ni Winter, agad kong inilagay ang kaliwang kamay sa bewang niya habang ang kanang kamay ko naman ay sa balikat niya. Hindi ko naman siya tiningnan para cool. Gusto ko lang umarte na ganito dahil nahihiya ako sa ginawa ko kanina. Sinabi ko ba naman na liligawan ko siya. Ang bading lan

