Chapter 12

1602 Words
SANDOVAL’s pov “Boss!” tawag sa akin ni Levie nang makita nito at mabilis na lumapit sa kotse na sinasakyan ko. Nakaparada ang kotse namin di kalayuan sa shabu laboratory dito sa Zambales. Lumabas ako ng kotse at tinignan ko ang mansyon na ginawang laboratory habang abala ang mga PDEA at pulis sa pag-iimbistiga sa loob. I gritted my as I watching what was happening right now sa shabu laboratory na pinaghirapan kong itayo. Malilintikan talaga sa akin ang traydor sa mga tauhan ko! “Tinawagan mo na ba ‘yung tauhan natin sa loob? Bakit hindi niya nalaman na may raid na magaganap dito sa laboratoryo sa Zambales? Ano ang silbi ng malaking binabayad natin sa kanya para sa serbisyo niya?” disappointed na tanong ko kay Levie. Kaya nga ako nagbabayad ng malaki sa loob ng pulisya para sigurado na hindi mangyayari ang bagay na ito. But it seems that paying them was a waste of money! Mga pulpol at walang kwenta! “E, boss. Sabi ng kontak natin sa loob, hindi rin daw niya alam kung bakit nangyari ito. Wala daw siyang alam, ang hinala niya e nakakatunog na sa kanya ang mga kapwa niya pulis. Kaya sinikreto daw sa kanya ang raid operation dito sa laboratory. Nagpapalamig daw muna siya dahil mahirpa na kapag tuluyan na siyang nabuking na gumagawa siya ng illegal. Natatakot na mawalan ng trabaho ang loko.” Nagsalubong ng todo ang aking kilay sa narinig kong sinabi ni Levie. At ang lakas ng mukha ng pulis na ‘yon na gumawa ng alibay sa tungkulin na hindi niya nagawa. Sa laki ng pera na binabayad ko sa kanya kahit buong buhay niya sa pagpupulis ay hindi niya kikitain ang halaga na iyon. Kaya wala siyang karapatan na mag dahilan sa akin. “Sabi mo sa kanya na gusto ko siyang makausap, Asap.” nangingilit ang aking ngipin sa galit sa lintik na pulis na ‘yon na sabi ko kay Levie. “Areglado, boss.” “Sige, umalis na tayo dito dahil wala na rin tayong magagawa dito. Isa pa, baka may makakita pa sa atin dito.” sabi ko at lumakad na pabalik sa kotse. Si Levie naman ay sumakay na rin sa van na dala nila kasama ng ilang tauhan na hindi nahuli ng mga pulis. Naka-conboy sila sa amin at ngayon ay diretso na kami sa mansyon sa bulacan. Nang makarating kami sa mansyon ay kaagad kong tinipon ang aking mga tauhan upang alamin kung sino ang nagtatraydor sa akin. Aligaga ang mga tauhan kong naglapitan sa akin na nagtataka kung ano ang nangyayari. Madilim ang aking mukha na naupo ako sa silya at nagsalin ng alak sa baso saka ko inisang lagok iyon. Dahil sa galit na nararamdaman ko ay halos hindi ko na maramdaman ang pait ng alak sa aking lalamunan. Muli kong nilagyan ng alak ang bao baso at inisang lagok iyon saka ako humarap sa aking mga tauhan. “Sino sa inyo ang nagtatraydor sa akin?!” nanlilisik ang aking mga mata na panimula kong sabi sa mga ito. Nanlakihan ang mga mata ng mga tauhan ko kasabay ng pagbubulungan. Labis na takot ang nakikita ko sa mga mukha ng mga ito habang nakaharap sa akin. “Boss, matagal na akong nagtatrabaho sa ‘yo, kaya hindi ko magagawa sa ‘yo ang traydorin ka.” Si Garry ang unang nagsalita. Halos limang taon na ito sa akin nagtatrabaho. Should I believe him? Na hindi niya ako makagawa na traydorin? “Lalo na man ako, boss, ang tagal na natin nagsasama. Lalong hinding-hindi ko magagawang traydurin ka at ang samahan.” Sabi naman ni Bernie, halos magkasabay lang sila ni Garry na magtrabaho sa akin. “Boss, mas lalong hindi po kita magagawang traydorin dahil malaki ang utang na loob ko sa ‘yo. Utang ko sa ‘yo ang buhay ng anak ko.” Wika naman ni Albert. Two years palang siya sa akin nagtatrabaho. At sa dalawang taon nito sa akin ay sa kanya ko lang binigay ang tulong na kahit kanino ay hindi ko nagawang ibigay. Nang ma-ospital ang bunsong anak nito dahil sa dengue ay kinailangan ng blood donor ng bata. Dahil sa kakapusan ng pera ay wala silang mahanap. Kritikal na ang anak nito at mahirap hanapin ang ka-blood type ng bata kaya naman ako pa mismo ang naghanap ng tao na magiging blood donor ng bata. Iba talaga pag may pera ang isang tao. Madaling masosolusyunan ang mga ganitong bagay. Binayaran ko din ang hospital bill nila at nagbigay pa ako ng pantutus nila na pera. Dahil sa barung-barong lang sila nakatira ay binilhan ko rin ang mga ito ng maayos na bahay. Naawa kasi ako sa anak nito. Si Albert ay dating security guard sa isang department store. Isang tao na gustong gumawa ng tama pero dahil malupit ang mundo. Isang gabi ay napagtripan ng mga taong walang magawa sa buhay. Binugbog siya kaya naman naging dahilan kaya hindi nakapasok ng isang linggo sa trabaho. Ang agency naman na humahawak sa kanya ay wala man lang binigay na tulong pinansyal sa kanya. Hanggang sa tuluyan an siyang sibakin sa trabaho dahil sa tagal niya na hindi nakapasok. Dahil sa kahirapan at sa mga anak ay doon siya nagsimula na pumasok sa mga maling gawa. Sa simula ay naging snatcher, akyat bahay at kung ano pang gawain na hindi maganda ang pinasok niya para lang mapakain ang kumakalam na sikmura ng mga anak. Sa lipunan kung minsan ay kahit gusto gumawa ng mabuti ng tao, kahit pinipilit mamuhay ng tama. Pero minsan ay napapagkaitan talaga ng pagkakataon. Naalala ko sa kanya ang nakaraan ko. Kaya naman kinuha ko ito bilang isa sa aking tauhan. Pinaikot ko ang aking mga mata sa iba ko pang tauhan na isa-isang nagsasalita na hindi sila naging traydor sa samahan, sa akin. Muli akong umupo at nagsalin ng alak sa baso at inisang lagok ito. Kumuha din ako ng sigarilyo at nagsindin. Naghithit at buga ako ng paulit-ulit upang ikalma ko ang aking sarili sa galit na mayroon ako. Gusto kong pumatay dahil sa laki ng nawalang halaga sa samahan. Pero sino ang pagbabalingan ko ng galit ko. Sino sa kanila Walang gustong umamin. Hinawakan ko ang baril ko na nasa ibabaw ng lamesa saka ako tumayo at lumapit sa mga tauhan kong nakamasid pa rin sa lahat ng kilos ko. Tinutok ko ang baril sa mga ito habang pinaniningkitan ng mga mata. Pilit kong pinakikiramdaman isa-isa ang mga ito kung sino sa mga tauhan ako ang nagbabalatkayo lamang sa akin. Pagkatapos kong ikutan isa-isa ang mga ito at bumalik ako sa harap ng lamesa saka ako nagsalita sa mga ito. “Sige, walang gustong umamin sa inyo? Okay. Pagbibigyan ko kayo ngayon. Pero tandaan niyo ‘to. Mahahanap at mahahanap ko rin kung sino man ang hayop na tumatraydor sa akin. At sa oras na dumating ang oras na iyon…” naniningkita ng aking mga mata at nakangisi ko pang hinimas ang bibig ng baril na hawak ko. “Uubusin ko sa ‘yo ang bala ng baril na ‘to, tandaan niyo ‘yan!” banta na sabi ko sa mga ito. Kumalat ang pagkabahala sa mukha ng mga ito dahil sa pagbabanta ko. Muling naningkit ang aking mga mata ng mapansin ko ang lalaki na nag drive sa akin patungo sa Zambales kanina. Kung hindi ako nagkakamali ay bago lang ito sa akin four to five months pa lang ito na nagsisilbi sa akin. Mukhang masasagot na ang tanong sa isip ko. “Sige, umalis na kayo sa harap ko!” inis na utos ko sa mga ito. Mabilis naman na naglisawan paalis sa harap ko ang mga ito. I cleared my throat. “Sandali, ikaw, Christ ang pangalan mo tama?” pigil na sabi ko sa paglabas nito sa pinto. Kung kanina ay nasa mukha na nito ang takot, ngayon ay mas na-doble pa ang rumihistro na takot sa mukha nito. Halos mawalan ng kulay ang mukha nito na pumihit paharap sa akin ng dahan-dahan. Kung hindi rin naman malakas ang loob niya. Sana nag-isip siya ng maraming beses na kalabanin ako! Ako si Sandoval, hindi pa pinapanganak ang tao na loloko at magpapaikot sa akin! “P-po… S-ser? Ba…bakit po? Wa-wala po akong alam sa sinasabi niyo po Ser, to…totoo po ang sinasabiko, Ser.” nagkakanda buhol-buhol ang dila na sabi nito sa akin. Tinitigan ko lang ito simula ulo hanggang paa. “Alam kong bago ka pa lang sa akin, Chris…” lumapit ako papunta sa kanya at inikutan ito. “Bago ka palang kaya hindi mo pa ako kilala.” pumaroon ako sa likod nito saka ko inilapit ang bibig ko sa tainga nito. “Pwes, kung ako sa ‘yo, simulan mo nang ipagtanong kung anong klaseng tao ako para naman may idea ka na kung gaano ako kasama at mabagsik na tao. Para maisip mo na mahirap akong kaaway,” bulong na banta ko sa kanya. Sunod-sunod itong malalim na napalunok at mas pinagpawisan ng malagkit. “O-oo po, Ser,” kinakabahan na tipid na sang-ayon nito sa akin. Lumakad ako pabalik sa silya at naupo roon. “Good, now, leave.” utos ko sa kanya habang nagsasalin ng alak sa baso. Dala siguro ng takot niya sa akin ay hindi na ito nagpaalam pa na lalabas na ito. Dire-diretso ito na lumabas ng pinto na hindi makatingin sa akin. “Pagsisihan mo ang araw trinaydor mo ako!” angil na sambit ko sa sarili saka ko inisang lagok ang alak sa baso na hawak ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD