Nanginginig ang aking buong katawan sa takot na umupo ako sa isang parte ng kama. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagisawan ako sa realidad ng totoong buhay na nangyayari sa paligid ko. He’s a murderer, wala siyang awa na pumatay ng tao. Napapikit ako nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin sa labas ng pinto. Parang isinampal sa akin ang katotohanan na hindi ko siya maaring mahalin dahil sa pagkatao niya, at sa kasalanan niya sa pamilya ko. Sa nakababata kong kapatid. I can’t marry him. I shouldn’t say yes sa kanya nun alukin niya ako ng kasal. Hindi ko dapat sinabi ang bagay na ‘yon, for God’s sake. Malaking kasalanan sa pamilya ko at sa kapatid ko. “f**k it, Maureen, buksan mo ang pinto. Buksan mo ‘to at mag-usap tayo!” Napapikit ako at mas lalong nanubig ang mga m

