MAUREEN' s POV Literal na napa-tuwid ako ng tayo at gumuhit ang inis sa mukha ko nang makita kong nakaupo si Sandoval katabi ang Evelyn na iyon. Nasa iisang pa-bilog na lamesa ang mga ito. Apat sila na naroong nakaupo. Napalunok ako nang makita kong nakangiti si Evelyn habang nakikipag-usap kay Sandoval. I clenched my teeth silently in anger at him! At lalong umaapoy ang galit ko sa loob ko para kanya nang makitang gumanti siya ng ngiti kay Evelyn. Parang may pinag-uusapan ang mga ito na nakakatawa kaya naghahagikgikan ng tawa. Which irritates me even more! At talagang enjoy na enjoy pa siya na makipag-usap sa Evelyn na ‘yon! Ni-hindi man lang niya napansin ang pagdating namin ng Lola niya. Nakakainit ng ulo! Makikita niya! “Ate Maureen!” malakas na tawag sa pangalan ko ng batang s

