MAUREEN’s pov “MY PRINCESS!” Gulat ako na napabaling ng tingin sa pinto ng bumukas iyon at iniluwa ang hingal na hingal at pawisan na si Sandoval. “Thank God, you're okay!” Sambit pa nito at mabilis na lumapit sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. Nahigit ko ang aking paghinga at nabitin ang pagnguya ko ng dragon fruit sa loob ng bibig ko dahil sa kakaibang kilos niya. Ibinababa ko ang tinidor at hinarap ko siya. Mabilis kong nginuya at nilunok ang prutas sa loob ng bibig ko saka ako nagsalita. “M-may problema ba? You look—” nervous… sa loob ko na ng bibig niya natapos ang pagsasalita ko nang kaagad niya na sakupin ang labi ko. Napakunot ang aking noo sa kakaibang halik na pinaparanas niya sa akin. His kisses were full of fear that something bad would happen to us…. He caressed m

