Pagdating namin sa bahay ay nakatitig lang ako kay Bisonga. “Bakit?” tanong niya. Nginisihan ko lang siya. “Wala naman,” sagot ko. “Tanga!” aniya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Kilala mo ba iyong mga lalaki kanina?” tanong ko sa kaniya. Natigilan naman siya at gamit ang hintuturo niya ay pinalapit sa kaniya. Napakaseryoso ng kaniyang mukha. Inilapit ko naman ang aking mukha sa kaniya. “Hindi eh,” sagot niya. Natigilan naman ako at gusto ko siyang kunyatan. Inirapan ko naman siya. Sabay na napatingin kami sa pinto nang pumasok ang pogi kong asawa at si Mr. Suave. Kita ko naman ang pagtulo ng laway ni Bisonga. “Ang laway mo,” wika ko. Patagilid niyang hinigop iyon pabalik. Kaagad na napakunot noo ako sa ginawa niya. “Ayang eh,” aniya. Napailing naman ako. Ibang klase eh. “

