Nakatingin lang ako sa labas at dumarating na ang ibang bisita ni daddy. Kinakabahan ako lalo na at hindi naman ako sanay na makipaghalubilo sa mga katulad nilang mayayaman. Pero alam ko namang kaya ko na ring makipagsabayan sa kanila. Medyo lang talaga pero siyempre kakayanin ko. Alang-alang sa pamilya ko. Suot ang aking cream dress ay lumabas na ako. Simple lang ang damit hanggang sa paa ko. Maganda naman iyon sa akin dahil may katangkaran ako. Sleeveless style iyon at hapit sa bandang tiyan at dibdib. “This is my daughter-in-law, Vanessa. V, this is my friend Mr. and Mrs. Vargas,” wika ni daddy nang makababa na ako. Kaagad na lumapit ako sa kanila at ngumiti t’saka nakipag-handshake. “Ang ganda niya ha, bagay na bagay kay, Luther. Ano’ng trabaho mo hija?” tanong ni Mrs. Vargas. Napa

