“This dress costed me fifteen thousand alone,” aniya habang nakatingin sa punit. Napasinghap naman ako sa sinabi niya. “A-ang mahal naman,” saad ko. “Indeed, and you just ripped it,” mahina niyang sagot. “B-babayaran na lang kita,” ani ko. Kaagad na napapikit siya at itinaas ang kaniyang kamay. “Don’t… that’s the biggest mistake you can do to me. Don’t make me feel poor,” sagot niya. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. “Tang-inang ‘to babayaran ka nga tapos iisipin mo ginagawa kitang pobre. Ikaw lang yata ang taong ganiyan,” saad ko. Ngumisi naman siya sa akin. “Because I’m rich,” aniya lang at inayos ang damit niya. “I’ll be back,” dagdag niya pa at umalis na. Hindi pa nga ako nakasagot ay umalis na siya. Napakamot na lang ako sa ulo ko. “Anong klaseng tao ‘yon?”

