Nakasuot ako ng body con dress na kulay yellow. Anniversary raw ngayon ng mag-asawang Keith at Danica at pinapapunta kami. Hindi ko pa nakikita si Danica pero ang sabi sa akin ni Bisonga mabait daw iyon. Pinasadahan pa ng tingin ng asawa ko ang aking katawan at nakangising pumasok na sa loob. Tinaasan ko lamang siya ng kilay. Habang nasa biyahe kami ay napapnsin ko ang minsanang pagsulyap niya sa legs ko. Feeling maganda naman agad ako. Siyempre sino ba naman kasi ang hindi matutuwa gayong nakikita mong gustong-gutso ka ng asawa mo? Iyong feeling mo talagang sa iyo lang umiikot ang mundo niya. “Wala tayong regalo sa kanila,” saad ko. “Don’t worry, may dadaanan tayo sandali,” sagot niya. Tumango naman ako. Makalipas nga ang ilang minutong biyahe ay huminto kami sa isang jewelry store. H

