Chapter 2

2096 Words
Manila.... "Luke, where are your sisters? Its. getting late na ah mag se-seven am na and you still here". Kunot noo at mainit nanaman ang ulo ni Richard habang nag sasalita sa anak niya, ni hindi siya nag abala para tingnan ito. Nakatungo siya sa pag babasa ng dyaryo habang humihigop ng mainit na kape sa hapag kainan. Richard Edison Lim, 41 years old, business tycoon. One of the riches man in the Philippines. Guwapo, maputi, makisig matangkad. Lahat ng hinahanap mo sa isang lalaki ay sa kanya mo makikita. Maliban nalang sa ugali, dati naman siyang mabait at pala ngiti. Ngunit ng mawala ang asawa nito ay di mo na makausap ng ayos lagi nalang mainit ang ulo, hindi marunong tumanggap ng sorry at higit sa lahat ayaw na ayaw niya ang late lalo na sa mga importanteng bagay. May tatlo siyang mga anak. Panganay si Nikki Grace Lim, 17 years old, sinundan ni Luke Edson Lim, 14 and the precious little bunso nila na si Ruth Abbigail Lim 6 years old. Namatay sa panganganak ang asawa ni Richard na si Sunshine isang purong Pilipino ngunit saksakan ng ganda isa siyang Model nung makilala ni Richard ay di na pinakawalan pa at niligawan agad kahit na nga tutol ang mga magulang nito dahil sila ay purong Chinese at kaisa isa siyang anak at taga pag mana, kung kaya't nais ng mga magulang niya ay isang kauri at kapantay sa estado nila sa buhay ang kanyang makatuluyan. Ngunit ano nga ba ang magagawa mo kung pag-ibig na ang umiral at siyang nag hari, tinalikuran niya ang pamilya at nag sumikap mamuhay mag isa wala siyang pinalampas na pag kakataon basta alam niyang papatok ang isang negosyo ay pinapatulan niya. At ng makamit ang tagumpay ay agad na nagpakasal sila ni Sunshine kahit wala ang kanyang mga magulang. Sabay nilang itinaguyod ang kanilang negosyo, at pinalago. Kasabay nito ay ang pag buo nila ng pamilya okay na nga sana ang lahat ngunit sa di inaasahang pang yayari. Nawala sa kanya ang asawa niya habang nag sisilang ng isang magandaat malusog na sanggol . Pinamili siya ng doktor ngunit nakiusap ang asawa niya na piliin ang anak nila dahil nararamdaman niya na hindi narin siya mag tatagal. Anim na tao na ang nakakaraan ngunit parang bago parin sa kanila. Ipinag bawal niya ang mabanggit ang pangalan ng asawa sa loob ng bahay ganun narin ang mga larawan nito at iba pang gamit na makapag papaala ala sa kanila ay ipinatago niya sa isang kuwarto at walang sino man ang maaaring pumasok rito dahil siya lamang ang mayroong susi. Mahal na mahal niya ang mga anak niya lalo na ang kanyang bunso kahit na ito ang dahilan ng pag ka wala ng ina ng mga ito ay di siya nag tanim ng galit. Pagkat ang bunso niya ay kawangis ng kanilang ina. Lahat ay nakuha nito sa ina maging ang ugali ay makikita mo na agad na sa ina nito na mana. Subsob siya sa trabaho kaya naman di na niya napapansin ang pag laki ng mga anak. Ayaw niya ng nag kakaroon ng bakanteng oras dahil naaalala lamang niya si Sunshine. "Dad? Sorry for being late, I'm not feeling well po that's why I'm so mabagal kumilos. Ate Nikki helped me po to fix some things that I need. " Mahinang paliwanag ni Abby na halos di n maibuka ang bibig sa pag papaliwanag dahil narin sa takot sa ama. "sit down and eat your breakfast na Nikki! Abby if you are not feeling well, eat your food and go back to your room take a rest. Luke sabihin mo nalang kay Manang Fe na tawagan ang teacher ni Abby ha. Kailangan ko ng mauna may meeting pa ako. Ingat kayo pag pasok. " Tuloy tuloy na salita, walang ka buhay buhay parang nakikipag usap sa hangin bagama't mararamdaman mo ang diin sa bawat salita. Diin na tila nag sasabing kailangan mo siyang sundin. Matapos humalik sa pisngi at mag paalam ang mga anak ay dali dali na siyang nag lakad palabas ng bahay. Sumakay siya ng kotse niya at tumuloy sa opisina. "Abby okay ka lang ba? Hindi mo na ba kailangan si ate? " nag aalalang tanong ni Nikki sa kapatid dahil mababaks mo sa mukha nito ang pananamlay. "No ate I'm okay na dito naman po sina manang Fe at yaya Doris. " "But Abby if you need help just call us ha. Don't worry kami ni ate Nikki ay uuwe kaagad para sayo. " "thank you Kuya, thank you rin ate I'm so lucky to have both of you" masayang nag yakap ang tatlo at gaya ng na una ay sumakay narin sa kabilang sasakyan sina Nikki at Luke ihahatid na sila ng driver na si mang Lem. Samantalang sa Quezon... Nagulat si Jodi pag bukas niya ng pinto ng silid niya at nakita niya ang ate niya na nag iimpake ng gamit at tila ba nag mamadali. "ate..... san ka pupunta? " na high kumuha nang tanong ni Jodi kay Jade. " anong san ako pupunta? Ikaw ang aalis hindi ako. Isara mo nga yang pintuan bilisan mo baka makita nina inay aring ginagawa ko. !" at saka lamang niya napansin ang namumugtong mata ng ate Jade niya at ang malaking maleta na puno ng mga gamit niya. "Ate ano bang ginagawa mo san ako pupunta bakit mo iginagayak ang mga gamit ko at yang mata mi anong nangyari umiyak ka ba ha?!" " tulungan mo muna ako dito at saka ko ipaliliwanag sayo lahat. " seryosong sabi ni Jade wala namang Naga si Jodi kung hindi ang tulungan ang ate niya kahit litong lito na siya at parang lalabas na ang puso niya sa lakas ng kaba. Natapos ang pag iimpake nila at niyakag siya ng kapatid na pumasok sa cr nila para daw walang makarinig sa pag uusapan nila. Nagtaka pa siya pagkat may dala itong martilyo at kung ani mang bagay na ibinalot sa tuwalya. " ate ano ba talaga ang gagawin natin pwede bang mag paliwanag ka muna kasi mamamatay na ko sa kaba. " " tulungan mo muna ako dito bilis! " agad nitong pinukpok ang bagay na binalutan ng tuwalya at narinig niya ng bahagya ang pag kalansing ng mga barya. " bakit mo binasag si Liempo ate ano ba talagang nangyayari." Dali daling kinuwenta ng ate niya ang laman ng alkansiyang pinangalanan nilang liempo. Five thousand eight hundred seventy lahat ang laman. Matagal ng iniipon ng ate niya para sa pag aaral ng kambal. " Bunso, patawarin mo ang ate ha! pero ito lang kasi ang tanging magagawa ko para sayo. Kailangan mong umalis, kailangan mong lumayo rito dahil kung hindi ay mapapahamak ka! " Umiiyak na paliwanag ni Jade sa kapatid. " B.... bakit ba talaga? " nag tatakang tanong ni Jodi na utay utay naring naiiyak sa kalituhan at takot. " Sina Don Felipe at Felix nag banta sila na kung hindi tayo makakapag bayad ng buo hanggang katapusan ng buwan at ay ikakasal ka kay Felix. Sorry Jodi pero wala na kasi kaming magawa lahat napuntahan na namin nina mamang, papang at inay. Pero hanggang ngayon wala pa din, iisang linggo na ang natitira sa palugit at di natin alam kung san tayo kukuha ng 1milyong piso para di ka matuloy ikasal kay Felix. " Sorry Jodi, ayaw naming ilihim ito sa iyo alam namin na masasaktan ka. Kaya gumagawa kami ng paraan pero malas talaga eh wala... wala kaming magawa. " " Ate alam ba ni inay ang plano mong ito? " pigil ang mga pag hikbing tanong ni Jodi sakapagid. " Hindi Bunso,... dahil balak ko ay mailayo ka muna dito. Jodi may alam ka naman sa Maynila diba? bukod sa perang laman ni Liempo ay may nalikom pa akong trenta mil para may mabaon ka. Mag pakalayo layo ka mag simula ng bagong buhay. At ipangako mo sakin na Hindi ka babalik rito sa atin ng hindi ka ganap na guro. Konting panahon lang yon Jodi... s... sandali lang yun maaring isa o dalawang taon. Isang sem nalang diba makaka graduate kana, tpos mag exam ka kaagad alam kongvkayabmong ipasa yun dahil matalino ka. Pag guro ka na makaka bayad na tayo sa kanila hindinman agadan pero makakautay tayo at hindi na kailangan pang mag pakasal sa Felix na iyon. " " Pumapayag na ako ate... P... pangako ko sayo di kita bibiguin. Babalikan ko kayo dito pag Okay na ang lahat pag kaya na nating bayadan ang utang sa kanila. Sorry ate dahil nalagay kayo sa sitwasyon na ito dahil sakin babawi ako pangako yan babawi ako ate... babawi ako sainyo at diko sisirain ang tiwala mong ibinibigay sakin. " Napuno ng impit na iyakan ang apat na sulok ng banyong iyon. Saksi ang silid na iyon sa mga pangako at pangarap ng mag kapatid para sa pamilya nila. Nag handa na si Jodi para sa pag alis niya mamayang alas dos ng madaling araw ang plano niya kung saan mahimbing na ang lahat para siguradong walng makakkita sa kanya kahit ang mga kapit bahay nila. Napag usapan na nilang mag kapatid na ang ate Jade na niya ang bahalang mag abyad ng mga requirements sa school na lilipatan niya. Ang kailangan lang niyang gawin pag dating sa Maynila ay mag hanap ng matutuluyan na malapit sa paaralan kahit bed spacer lamang para maka mura siya. At mag hahanap siya ng trabaho para sa pang gastos niya sa araw araw. Ipinag pasa Diyos na lamang niya ang kapalaran niya sakaling nanduon na siya. Suot ang paborito niyang Pantalong kupas na maong at isang blusang itim na pinatungan niya ng kulay kremang Jacket na may hood. Itinago rin niya ang mahaba niyang buhok sa loob ng jacket niya. At ngayong handa na siya ay di naman mapakali ang kapatid niya tila nag dadalawang isip na ito dala ng takot na baka di niya kayang mamuhay sa malayo ng mag isa. tiktak ...tiktak. ...tiktak. ... tanging tunog lamang ng orasang naka bitin sa ding ding ang kanilang naririnig maging ang kambal ay napakasarap ng tulog. Para bang sinadya ang lahat para sa kanyang pag alis. Tanging panginoon nalamang ang pinanghahawakan niya. "handa ka na bang harapin ang buhay na mag isa? " malungkot na bulong ng ate niya. "oo ate kung ito ang paraan upang makatulong sa inyong lahat dito ay gagawin ko. Hwag kang mag aalala dahil kaya ko ate. Hindi na ko bata mag be-bente tres anyos na nga ako diba." bahagya niyang nginitian ang kapatid upang mawala ang pangamba nito. Dahan-dahan at sinikap nilang di makagawa ng kahit na anong ingay upang makalabas ng bahay. Sa likod sila dumaan at gamit ang flash light ng kanyang cellphone ay binaybay nila ang gubat patungong kabilang kalsada. Nito lamang niya napag tanto kung bakit ilang araw ng abala ang ate niya at nawawalang bigla. Inihanda pala nito ang dadaanan nila tinanggal ang mga sagbal sa daan tulad ng malalagong d**o. Napangiti siya habang iniisip ang ginawa ng kapatid para saknya, tunay na mahal na mahal siya nito. Narating nila ang tabing kalsada kung saan may upuang mahaba na sadyang inilaan para sa mga nag aabang ng bus. " Jodi bunso, mag ingat ka palagi duon ha. Ito nga pala ang bagong simcard binili ko yan kahapon sa bayan pag sakay mo ng bus agad mong palitan ang sim mo at ng hindi ka makontak ninu man. Pero wag kang mag alala naka save na sakin ang bagong number mo at Beah ang pangalan na ginamit ko. Para kahit na makita nina mamang at inay ay di nila malalaman na ikaw yun. Basta mag ingat ka sa pag tetext mo ha. Palatandaan natin maraming tuldoksa unahan ang text nating dalwa ha. Magaling na ang sigurado. text mo agad sakin ang address mo para maipadala ko ang mga requirements na kailangan mo, basta tiwala lang bunso kasama natin ang panginoon di niya tayo pababayaan. " " Oo ate umasa kang lahat ng sinabi mo ay susundin ko. Maraming salamat sa lahat ng pagmamahal mo ate diko kayo bibiguin pangako yan. " Nag yakap sila ng mahigpit na mahigpit at dumating narin ang Bus na mag hahatid sa kanya sa bagong buhay. Buhay na puno ng pangarap at pangamba. Buhay na mag isa. Tanging kaway nalamang ang ibinigay nila sa isat isa habang papalayo. Alam niyang nakahanda na siya bagama't may pangamba mas higit ang pag nanais namatupad ang mga pangarap para sa pamilya at ang pag nanais na malayo sa masamang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD