"Kahit kailan, panira ka talaga!" Nataranta ako nang humarap ulit si Apple kay auntie para ituloy ang pagtusok ng bitbit niyang syringe. Hinaklit ko agad ang braso niya at inagaw ito. Nakipag-agawan siya pero hinalikan ko siya kaya nabitawan niya bigla ang hawak niya. "Shunjiro!" gigil niyang angil na pigil ang pagtaas ng kaniyang boses. "Sige! Isa pang angal, roromansahin kita dito!" Nanigas siya at namula ang pisngi. Natawa naman ako sa reaksyon niya. "Kumusta, my baby? Na-miss mo ba ako?" nakangisi kong tanong sabay biglang hapit sa beywang niya. Hindi siya nakapalag dahil hinigpitan ko agad ang pagkakagapos ng mga braso ko sa kaniya. "Bitiwan mo'ko!" mariin niyang bulong. "Ayoko." Sinubukan niyang magpumiglas pero lalo ko namang siyang ginapos sa mga braso ko. At parang kidl

