Apple's POV] Hindi nga nagkamali si Joaquin. Pinuntirya ng mga kalabang cartel ni papa ang kakambal kong si Dimples. Nalaman na lang namin, dinukot na ang kakambal ko kapalit ng buhay ni Papa. Sa kagustuhan na mailigtas ang kakambal ko ay nkipagkita ako kay Joaquin upang hingin ang tulong nito. Buti na lang at laging handa si Joaquin kasama ang bago at well-trained niyang mga tauhan. Ang iba ay galing pa sa Mexico at ang iba ay mga ex-militar. Na-locate ko rin agad ang farm na pag-aari ni Aaron Sanchez kung saan dinala ang kakambal ko. Isang celebrity si Aaron. Kilalang singer at model na hinahangaan ng karamihan dahil bukod sa may itsura't may talento ay matulungin din ito sa mga mahihirap at mga homeless na tao. Iyon pala, may itinatago rin itong kademonyohan! Ayun sa impormasyon

