"Sigurado ka bang pupunta ngayon si Samuel dito sa hotel?" tanong ni Renzi kay Mark na abala sa paghahalo ng alak. Masyado nitong kinakarer ang pagpapanggap bilang bartender sa sariling hotel na kasalukuyang pinamamahalaan nito. "Yup." "How can you be so sure?" "I planted a listening device in Adelle's room while she's gone. Narinig kong kausap niya si Samuel sa phone at sinabi niya rito na magkikita sila rito sa cocktail lounge. It turns out that Samuel is paying for her stay here. I just found out last night." "Baka ibang Samuel iyon." Umiling si Mark at pinaikot ang hawak nitong bote. "She mentioned his name many times. Samuel Juarez... Mr. Juarez... Sam... Bla bla bla!" "Then where the hell are they?" "Just be patient. Maghintay lang tayo ng ilang minuto. Basta, dito raw si

