Napatingin si Apple kay Shun nang bigla nitong itabi ang sasakyan. They're on their way to his house lulan ng kaniyang Porsche nang bigla na lamang itong tumigil sa tahimik at madilim na parte ng highway. "Baby..." Kinuha nito ang kamay niya at marahang pinisil. "Akala ko talaga hindi mo na ako patatawarin." "May sinabi ba akong pinatawad na kita?" Umungos ito. "Baby naman... Bati na tayo!" Hindi niya ito pinansin. Hanggang ngayon ay naaalala niya pa rin ang ginawa nitong pagtataksil sa kaniya. Kumukulo ang dugo niya! Inilapit ni Shunjiro ang mukha sa kaniya at sinimulang halik-halikan ang balikat niya. "Ang bango talaga ng Chucky ko. Nakakaadik!" Marahas niyang dinakma ang mukha nito saka itinulak. Sandali niya itong tinitigan nang nakakatunaw mula mukha pababa sa katawan nitong

