Tumayo siya at buong lakas niyang binalibag ang mga upuan. Nagtalsikan ang iba't ibang parte nito matapos mawasak. Pagkatapos ay humarap siya sa akin na humihingal sa galit. "Sa tingin mo ba gusto ko ito, Ariadna?!" Lalong tumalim ang kaniyang tingin. Namula nang husto ang kaniyang mukha at namuti na ang kaniyang kamao sa higpit ng pagkakakuyom nito. "I can have any girl I want! I can even get a famous model for a night! Pero ikaw! Ikaw..!" Dinuro niya ako at minura nang paulit-ulit. "You are the only reason kung bakit nanatili ako sa puder ni papa! Tinitiis ko ang lahat kahit pa gusto ko nang kumalas at magbagong-buhay. I just waited for the right time to get you! I waited! Pero pot4ngina! Bibigay ka lang pala sa iba nang gano'n kadali?!" Something flashed in his eyes habang patuloy ang

