Apple's POV] Halos isang oras din akong naghintay sa van. Nakatali ang mga kamay at paa ko. Pipiringan pa sana ako ni Dacio pero hindi natuloy matapos kong pagbantaan ang buhay niya at ng kasama niya. Sa oras na makabalik kami sa Mexico, lalagutan ko talaga sila ng hininga! Nakakairita ang mga tauhan ni Joaquin! Masyadong loyal sa kaniya na kahit ako ay handang tukain ng mga ito! Hijo de pota! Napatingin ako sa labas ng bintana ng van. Ano na kaya ang nangyari sa loob? Mukha pa namang hindi mapagkakatiwalaan si Shunjiro! Baka nilaglag na niya si Dimples! Or worse, baka nakipagsundo na siya sa demonyo para lang makalabas siya nang buhay sa bahay na iyon kapalit ang impormasyon tungkol kay Dimples! Hindi malabong gawin niya iyon. Lalo na't itinuturing na suspect ang kapatid ko ng pa

