[Apple's POV] Ilang linggo na ang nakalipas. Ilang linggo na rin akong nagtitiis sa bunganga ng bastos na si Shun. Kapag ginutom mo, umaarteng patay. Kapag binusog mo naman, nagngangangawa sa basement na parang baboy na kinakatay. Sarap na talagang tapusin eh! Masyado nang pabigat! Alagain! Pasaway at sakit sa ulo! Pero hindi pwede! Hindi rin pwedeng pakawalan siya. Dahil sa oras na makawala siya, masisira na ang lahat ng plano ko! Bumuntong-hininga ako at hinarap ang sarili sa salamin. Ang laki na ng eyebags ko! Hijo de p6ta! Kasalanan 'to ng Nagamori na 'yon! Hindi ako makatulog sa ingay niya. Para siyang asong ulol na umaalulong gabi-gabi! Siguradong magtataka si Renzi kapag nakita niya ako sa ganitong itsura. Simula noong binihag ko si Shun, hindi na ako nakaluwas ng bayan. Hindi

