THIRD POV Kinabukasan, muling bumisita sina Tyler at Maddy sa ospital. Tahimik nilang kinausap si Christian habang nakatingin sa walang malay na si Melissa. Sa pagkakataong ito, may dala silang isang alok na maaaring magpabago sa lahat. "Christian," panimula ni Tyler, seryoso ang tono. "Napag-usapan namin ni Maddy ang kalagayan ni Melissa. Gusto naming dalhin siya sa ibang bansa upang doon ituloy ang kanyang paggagamot." Napatingin si Christian kay Tyler, bakas ang pagkabigla sa kanyang mukha. "Anong ibig n'yong sabihin? Kaya ko siyang alagaan dito. Hindi kailangang dalhin si Melissa sa ibang bansa." "Christian," dagdag ni Maddy, malumanay ngunit mariin, "naiintindihan namin ang nararamdaman mo. Pero gusto naming ibigay ang pinakamainam na pag-aalaga kay Melissa. Sa ibang bansa, mas m

