C H A P T E R T W E N T Y N I N E Ginising ako ni mama kinabukasan dahil naroon na raw agad si Lethal sa salas. Siguro alas otso pa lang ang oras kaya naman kahit tamad na tamad ako ay bumangon na ako at sa banyo na agad ang diretso para maligo at mag ayos ng sarili. Kakaiba talaga ang gising ko, feeling ko pangit ang umaga ko ngayon at hindi ko alam kung bakit. Nasungitan ko pa nga si mama bago ito umalis para mamili ng karne sa palengke, nagdagdag yata kasi siya ng putahe sa mamihan namin kaya marami na rin siya kung mamili ng mga fresh na gulat at karne sa umaga. Habang bumabyahe kami ni Lethal pabalik ng Headquarters ay sobra naman ang konsensyang nararamdaman ko dahil hindi ako sanay na sinusungitan si mama, kami kasi ‘yung parang best friends pero kapag mainit ang ulo ko at tino

