CHAPTER 4

2114 Words
KIMMIE’S POV: Sumakay ako ng kotse ko at tinanggal ko naman ang mask na suot ko at ang black hoodie jacket ko. Habol ko ang aking paghinga at pagkuwa’y sumandal ako sa upuan. I closed my eyes and take a deep breath. I killed someone. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa ko ang bagay na ‘to pero nakaramdam ako ng konsensya sa sarili ko. I really don’t want to do it, pero kung hindi ko gagawin ‘yon ay baka ang kapatid ko naman ang mapahamak. Hawak ni Uncle Cooper ang buhay namin at wala pa akong sapat na lakas para labanan siya. Nang makarating ako ng mansyon kung saan kami tumutuloy ng kapatid ko ay pinagbuksan ako ng pintuan ng sasakyan ko ng isa sa mga tauhan namin. Maraming tauhan si Uncle at hindi ko na mabilang kung ilan sila. Nagtungo ako sa kaniyang opisina at naabutan ko siyang nakaupo sa mahabang mesa. He glanced at me for a while and then focus of what he was doing. Umupo ako sa dulo ng mesa kung saan kami magkaharap at pinagkrus ko ang aking mga binti. “How’s your mission?” Unang bungad niya sa’kin. Tinanggal ko ang gloves na suot ko at pinagsiklop ang mga kamay ko. It wasn't him who ordered me to kill that girl, but someone else and I think that person wasn't just some ordinary client. “Mission accomplished,” sagot ko naman. Tumango lang siya sa’kin at pansin ko pa ang pagngisi niya. Alam ko namang alam na niya na nagawa ko na ang misyon ko at sinigurado lang niya na ako mismo ang gumawa noon. “Kimmie, let’s change the plan,” saad ni Uncle Cooper habang naglilinis ng kaniyang baril. It’s been three years since I ended up here with him. What he told me at first was true. He’s our uncle, the youngest brother of our mother. At first, I didn’t want to accept that he was our relative because I didn’t want to be like him. He killed and has no mercy. But if I don’t obey him, Hazel and I will have nowhere else to go, and we might even get killed. “What plan?” seryosong tanong ko. “I want you to marry him?” Gulat akong napatitig sa kaniya at hininto ni Uncle Cooper ang kaniyang ginagawa. “Marry Trevor Montealegre” Mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko at kinuyom ko ang aking mga palad. Hindi na ako papayag pa sa gusto niyang mangyari. Ang usapan lang namin ay akitin si Trevor at kunin ang loob niya. Pero ang pakasalan siya ay para ng impyerno ang pupuntahan ko no’n. Nasa impyerno na ako ngayon at ayoko ng dumoble pa ‘yon. “Ibang usapan na ‘yan Uncle. Ipagawa niyo na sa’kin ang lahat huwag lang ang bagay na ‘yan!” sigaw ko. Tumayo rin siya sa kaniyang kinauupuan at inilagay ang dalawang kamay sa kaniyang bulsa. Hindi galit ang mga titig niya pero alam kong mapanganib ang mga ‘yon. “Really huh?” sarkastikong tanong niya. “Uncle, trust me. Magagawa ko siyang patayin kahit na hindi ko siya pakasalan basta makuha ko lang ang tiwala niya. Kaibigan ko si Ayvee at madali na lang para sa’kin ‘yon” "How can I still trust you if you weren't able to kill Dexter?" Napalunok ako at saka huminga ng malalim. Hindi ko kaya ang pinagagawa niya. Minsan ko ng minahal si Dexter at kahit na niloko niya ako ay hindi ko magawang patayin siya. He’s now happily married at hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako at kahit kailan hindi sumagi sa isip ko ang patayin siya. Lumapit siya sa’kin at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko. Humigpit pa ang hawak niya roon at pagkuwan ay inilapit pa ako sa kaniya. “I’ll give you another chance, Kimmie. Kapag hindi mo pa napatay si Dexter, you’ll know what I can do kahit na pamangkin pa kita. I don't care even if I promised my sister that I would take care of you. My rules is my rules and I’ll give you only twenty four hours to kill your ex-boyfriend.” Binitiwan na niya ako at hinaplos naman niya ang aking pisngi. “Hindi kita tinrain para iburo lang ‘yang kakayahan mo. Tinuruan kitang maging malakas para kahit wala ako sa tabi mo, kaya mo na ang sarili mo” He trained me so well, and now I’m a hired assasin who have no mercy also. “Okay, trust me this time. If I killed Dexter, hindi ko na kailangan pang magpakasal kay Trevor” “That’s my girl,” mahinang sabi niya. Bumalik siya sa kaniyang puwesto at pumitik sa ere. Inilapag ng isang tauhan niya ang isang mahabang box at binuksan iyon. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat dahil alam kong iyon ang gagamitin ko para patayin si Dexter. It is Accuracy International AXSR. Mahalaga ito kay Uncle Cooper at kahit kailan ay hindi niya pinagamit ang mahahalagang baril niya. “That’s for you my beloved niece. I want you to use that from now on from a secret mission.” Matagal ko ‘yon tinitigan at siya na ang nag-abot sa akin noon. “I’m sure I will kill him this time” “Hindi na siya sa’yo, Kimmie. Isipin mo na lang na ganti mo ang pagkamatay niya” Si Dexter ang nag-udyok sa’kin kung bakit ako naging ganito. Nabalot ng galit ang puso ko at naging isang demonyo ako. I kill whoever I'm ordered to kill, but he is the only one I can't bring myself to kill. “Asahan mong paglalamayan na siya bukas.” Pagkasabi kong ‘yon ay binitbit ko na ang baril na bigay niya at lumabas ng kaniyang opisina. Nagtungo muna ako sa kuwarto ko para itago ang baril at pagkatapos ay nagpalit ako ng aking damit. Susunduin ko si Hazel sa eskwelahan niya dahil nangako akong mamamasyal kami pagkatapos ng isa kong misyon. Naging maayos na ang lagay niya simula ng mapapunta kami kay Uncle Cooper at tinupad niya ang pangako niya para sa kapatid ko at ang kapalit ay maging isang mamamatay tao. Naging ordinaryo pa rin ang pamumuhay ni Hazel at nakakapag-aral na siya sa college ngayon. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami magiging ganito o makakatakas pa kami sa ganitong buhay. “Ate!” Masayang kumaway sa’kin si Hazel at kumaway din ako pabalik sa kaniya. Patakbo siyang lumapit sa akin at akmang yayakapin niya ako nang itukod ko ang palad ko sa kaniyang noo. Napanguso siya sa akin at sinimangutan ako. “Ang baho mo at amoy pawis ka na,” pang-aasar ko sa kaniya. Inamoy niya pa ang sarili niya at pinanliitan ako ng mga mata. “Hindi naman ah!” Natawa na lang ako sa tinuran niya at sabay na kaming sumakay sa kotse. Nagpunta muna kami sa paborito naming kainan at pagkatapos ay namasyal kami sa plaza. Masaya akong nakikita si Hazel na masaya at wala ng iniinda pang sakit. Kaya kong tiisin ang lahat para sa kapatid ko kahit na ikamatay ko pa ‘yon. “Ate, kung sakaling buhay pa sina Mama at Papa magiging ganito pa rin ba ang buhay natin?” Napatingin ako sa kaniya na ang tingin ay nasa mga nagkikislapang mga ilaw dito sa paligid ng plaza. Tumingin ako sa malayo at mapait na napangiti. Iyan din ang matagal ko ng tinatanong. Paano nga kung sakaling buhay ngayon ang mga magulang namin? Makikilala pa ba namin si Uncle Cooper? Magiging ganito pa kaya siya kung sakali? “Hindi siguro. Dahil alam kong poprotektahan nila tayo.” Tumayo siya sa harapan ko kaya sa kaniya natuon ang aking atensyon. “Ate, kapag nalagay ako sa peligro mas piliin mo ang sarili mo kaysa sa’kin.” Nangunot ang noo ko at napatayo na rin ako. “Anong ibig mong sabihin? Hazel, hindi malalagay sa peligro ang buhay mo. Papatayin ko kung sino man ang magtangka sa buhay mo.” Nanatili lang siyang nakatitig sa’kin na hindi ko mawari kung ano ang ibig sabihin ng mga titig na ‘yon. Bago pa siya may sabihin ay nagyaya na akong umuwi at habang tinatahak namin ang daan ay panay naman ang sulyap ko sa kaniya habang nagmamaneho ako. Alam kong may bumabagabag sa isip niya at hindi niya gusto ang ganitong pamumuhay. Alam din niya ang dahilan kung bakit kami nandito sa kinalalagyan namin at pakiwari ko ay sinisisi niya ang sarili niya. Kahit ano pang mangyari ay hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kapatid ko at kahit na maging mortal ko pang kaaway si Uncle Cooper. Alas-dyes ng umaga ay umalis na ako bitbit ang sniper gun na binigay ni Uncle. Lulan ako ng sasakyan ko at pinasabi na lang ni Uncle Cooper sa kaniyang tauhan kung saan ko matatagpuan si Dexter. Huminto ako sa isang mataas na gusali at pinasadahan pa ‘yon ng tingin. Before getting out of my car, I made sure to put on my black hat, and then my gloves and mask as well. Umakyat ako sa pinaka tuktok kung saan kitang-kita ko mula rito ang target ko. Inumpisahan ko nang i-assemble ang baril ko at nang matapos ko na ‘yon ay tumingin pa ako sa scope. Sakto naman ay nakita ko nang palabas si Dexter kasama ang ilan sa mga business partners niya. I had him in my sights and was ready to pull the trigger, when out of nowhere he was shot in the left side of his chest. I was surprised at how fast things happened and immediately searched for who was responsible using the scope of my sniper rifle. Nakita ko ang isang lalaking nakatayo ilang metro ang layo sa’kin at katulad ko ay pareho ang baril na gamit namin. Tinutok ko sa kaniya ang baril ko at pinaputukan siya pero mabilis siyang nakailag. Nagulat na lang ako dahil alam niya kung saan galing ‘yon at may tatama na bala sa kaniya. Nang muli ko siyang balingan ay tinanggal niya ang suot niyang sumbrero at mas lalo akong nagulat ng makilala ko siya. “Trevor Montealegre,” nasabi ko na lang nang lumayo na ako sa scope. Nagmamadali akong iligpit ang baril ko at inilagay sa lalagyan. Mabilis akong bumaba at tiyak akong hahabulin niya ako. Pasakay na sana ako ng sasakyan ko ng dumating naman ang tauhan ni Uncle Cooper at huminto ang sasakyan nito sa tapat ko. Kinuha niya ang baril ko at ako naman ay sumakay sa sarili kong sasakyan at agad na pinatakbo ‘yon. Sinamantala ko ang pagkakataon habang nagkakagulo ang mga tao para makatakas ako. Nang tumingin ako sa rearview mirror ko ay nakita kong may sumusunod na sa akin saan man ako lumiko. Nagpasikot-sikot ako hanggang sa hindi ko na makita ang sasakyang sumusunod sa’kin. I bet it’s him at hindi ko alam kung nakilala niya ako. Huminto ako sa gilid kung saan wala ng tao at hinubad ko naman ang suot ko at naka-pink t-shirt na lang ako. Lumabas ako ng sasakyan at nagpalinga-linga ako bago ako tumawid sa kabilang kalsada. Dahil sa sobrang pagmamadali ko ay muntikan na akong masagasaan at napaupo na lang ako. Bumagsak ang bitbit kong bag pack at nakita kong lumabas doon ang silencer ko. Kaagad kong ipinasok ‘yon sa loob ng bag at akmang tatayo na ako ng may magsalita sa likuran ko. Natigilan ako at unti-unti ko siyang nilingon. Para akong nakakita ng multo at sandaling huminto ang paghinga ko. Now it seems my life is in danger and I've been caught by one of the people I was after. “Kimmie? What are you doing here?” takang tanong niya. Kumibot lang ang mga labi ko at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Umupo siya sa harap ko at napatitig ako sa dala niyang sasakyan. That was really him at ako ang hinahabol niya. “Are you okay? Nasaktan ka ba?” Muli niyang tanong. Wala ako sa sarili kong napaluha na lang at may kung ano na lang na pumasok sa isip ko na gawin ‘yon, ang umarte sa harap niya. “Let’s go, delikado rito.” Inalalayan na niya akong makatayo at dinala sa sasakyan niya. Bago pa siya pumasok sa loob ay may tinawagan muna siya sa kaniyang telepono. Habang nakatingin ako sa kaniya ay hindi maalis sa isip ko kung ano ang motibo niya at bakit niya pinatay si Dexter. Their family is truly a monster at hindi rin siya naiiba kay Uncle Cooper. This is my last mission, is to kill you Trevor Montealegre.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD