Mabilis ang paglipas ng mga araw at nalalapit na ang pagtatapos ng yugto ng pagmamahalan ni Moonshine at Drifher. Ilang beses ng may pa kaunti-kaunting pagsugod na para bang nagmamanman lamang ang mga iyon na nahuhuli naman ng mga Vampire knights ng kastilyo ng mga Draven. Nalalapit na ang malakihang pagsugod ng mga gustong pumalit sa kanya bilang tagapagmana at nalalapit narin ang oras na kailangan na nilang maghiwalay ni Moonshine, kaya naman pareho nilang hinihiling ang tumagal ang bawat minutong dumaraan na masaya at magkasama sila. Ngayon nila mas nararamdaman ang kahalagahan ng oras. Habang gusto mong patagalin ang oras mas lalo iyong bumibilis na para bang nananadya. “Alam ko na hindi n’yo ko gusto. Pero gusto ko sanang ibigay to sa inyo,” Inabot ni Moonshine ang k’wintas sa ina

