Isang supling mula sa pamilya nila at sa pamilya ni Famana ang tatapos ng sumpa… “Happy second birthday, Moonlight…” Emosyonal pa rin ako at mabigat pa rin sa loob ko na pinalalaki ko siyang walang ama. Napakasakit pa rin sa ‘kin ang tanggapin na wala na si Drifher, pero hindi ko magawang tumigil mabuhay dahil may anak akong nangangailangan sa ‘kin. Lahat ng pagmamahal ibinibigay ko sa kanya. “Mama, I love you…” Nakagat ko ang ibabang labi ko habang tinitingnan ang inosenteng mukha ng aking anak. Nakuha niya ang mga mata ni Drifher na tila batong emerald. Napakaganda niya at marami ang hindi siya maalisan ng tingin tuwing makikita. Kinuha ni papa si Moonlight at binuhat para ipakilala sa ibang mga batang inimbitahan nito sa kapitbahay. Mataas na siyang magsalita at para ng apat na ta
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


