Chapter 7. Bumagsak siya sa lupa.Bumangon siya at pinagpag ang suot na jacket.Pagkatapos ng dalawang linggo nakabalik siya sa kanyang panahon. Nakarinig siya ng hiyaw ng isang babae at mga lalaki.
Tener comapasion! por favor!(maawa kayo!pakiusap!) sigaw nito habang nagtatawanan ang mga lalaki.Hinanap niya kung saan ito nanggagaling. Sa hindi kalayuan namataan ang may ari ng mga tinig.
He saw a woman and a three men.Her camisa is tear apart and she tried to cover her bare chest. She's sweating and crying over.His fist clenched.
The poor woman.They will going to rape her! Hey you....!bastards!he shouted on them.They are guwardiya sibil.They tried to shot them but he's too fast and he grabbed one of them and hold his hand with the gun and shot the two men.
They fell down on the ground lifeless.
Quien Eres? (sino ka?) por que hablas un idioma extranjero?!(why you speak foreign language?!
It's English idiot! he said and push the man the shot him too. The poor woman trembling while shocked.
He stood over her and give his hand to hers.Atubili man ay inabot nito ang kamay niya.
Gracias ginoo sa kabutihan mo pasasalamat nito.
Walang anuman sagot niya.
Saan ka nakatira at maaring ko bang malaman ang iyong pangalan tanong niya.
Ako si Helena Jiminez Y Rodriguez ginoo. Halika ka muna kailangan na nating lumisan bago pa tayo abutan ng mga bantay nanginginig nitong sabi.
He took his jacket and give it to her.
Gracias. Mabilis nilang nilisan ang lugar na iyon. Nakarating sila sa tahanan nito.Hindi siya maaring magkamali tahanan ito ng mga Jiminez.
Ang babaeng ito kaya ang....tumigil ito sa paglalakad at lumingon sa kanya. Ako na lamang at ang aking ina ang naririto.
Ang aking ama ay pumanaw na dahil sa labis na sama ng loob.
Nagtagis ang kanyang bagang sa narinig. Marahil dahil hindi matanggap ng budhi ang pagtataksil sa sariling amigo bulong niya.
May sinasabi ka ginoo?tanong nito.
W-wala.
Tumuloy tayo sa loob paanyaya nito.Pumasok sila sa loob at nadatnan nila ang ang inang nag-aalala para sa supling.Agad itong lumapit sa dalaga at mahigpit itong niyakap. Kilala niya ito.Donya Celena Jiminez Y Rodriguez ang may bahay ni Don Ronaldo.
Kung ganon ang mujer na ito ang kaisa-isang babaeng anak ng Don at kanyang mapapangasawa sana.
Saan ka ba galing at kanina pa kita hinanahap nag-aalalang tanong nito.
Hinanap ko po aking magiging esposo.
Lumipad ang tingin niya sa dalaga.
Siya?hahanapin nito?bakit?tanong ng naguguluhan niyang isip. Balita ko po ay tinutugis siya ng mga gwardiya sibil sagot nito.Lumingon sa kanya ang Donya.
Sino itong hombreng kasama mo at kakaiba ang kanyang kasuotan.
S-siya po ang nagligtas sa akin sa mga lalaking nais igupo ang aking puri.
Mahabaging langit muntik ka ng mapahamak!Anak ko labis-labis na ang nagawa mo para sa kanya.
Isa pa hindi mo na siya magiging esposo....hindi na matutuloy ang kasunduan dahil sa nangyari sa mga pamilya niyo.
At sa'yo ginoo gracias sa pagliligtas sa aking anak.Maupo ka muna.Umupo silang tatlo ng magkakaharap.
Wala pong anuman Donya Celena.Manghang tumitig ang Donya sa kanya.
Maari ko bang malaman ang iyong ngalan?at bakit mo batid ang aking ngalan tanong nito. Paumanhin subalit hindi ko po maaring sabihin kung sino ako.
Napakamisteryoso mo siya hindi ko uungkatin kung sino ka bang talaga ang mahalaga iniligtas mo ang aking anak.
Magpapaalam narin po ako...tumayo na siya at nagpaalam.
Mag- iingat ka ginoo wika ng dalaga.
Maari ko bang malaman ang iyong ngalan at bakit mo hinahanap ang iyong mapapangasawa?tanong niya rito habang nasa labas na sila ng pinto.
Yon ay sa kadahilanang itinatangi ko siya.Bahagya siyang nagulat sa naging rebelasyon nito.
Nakatitig siya sa mga mata nito.May naalala siya sa mga ito.
Nagpabalik-balik ako sa tanggapan ng gobernador-cillo para pigilan ang hatol na kamatayan Kay Gabrielle subalit Hindi niya ako pinakinggan at nagkunwaring bingi.
Itinatangi mo na siya sa iyong puso subalit hindi mo pa nasisilayan ang kanyang anyo...wika niya.
Walang halaga sa akin yon...batang musmos pa lang ako inilaan na ako para sa kanya.
Binibini...paano kung hindi kayo magkatulad ng nararamdaman?tahasang niyang tanong.
Nasilayan niya ang panglaw na dumaan sa mga mata nito.
Tatanggapin ko ito ng maluwag sa aking dibdib kung wala siyang pagtatangi sa akin....masaya akong siya ang unang lalaking itinangi ng aking puso.
Paumanhin binibini.Naging pangahas ako sa aking mga tanong.Ako'y lilisan na...
Paalam ginoo mag-iingat kayo.
Maingat ang mga kilos niya sa pagpasok sa kanilang tahanan upang walang makapansin sa kanya.Malaya siyang nakapasok sa loob ng kabahayan.
S-senyorito!gulat si Theodoro ng siya ay makita. Mahabaging langit!totoo nga Buhay na buhay kayo!namamanghang turan nito. Subalit agad napalitang ng pangamba ang kasayahan nararamdaman.
H-hindi po kayo ligtas dito...bumalik na po kayo kung saan kayo nagmula pakiusap....pinaghahanap po kayo ng mga guwardiya sibil.
Usap-usapan din sa bayan kanina ang pagkamatay ng tatlong guwardiya at ang sabi isang binata na may banyagang kasuotan ang kumitil sa kanilang buhay.
Kayo po ba iyon Senyorito?
Tumango siya. Palalayain ko ang bayang ito mula sa mga mananakop ipinapangako ko yan Theodoro at ipaghihiganti ko rin ang sinapit ng aking angkan.
Subalit Senyorito..bumalik na lamang po kayo sa panahong inyong pinanggalingan at mamuhay ng tahimik at payapa...
Umiling siya.Hindi ako matatahimik Theodoro hangga't nananatiling humihinga ang mga diyablong iyan..makakaya ko silang labanan maniwala ka.
Sa mundong iyon...higit na malalakas at makabago ang mga sandata.
Sisiguruhin kong makakalaya ang bayang ito mula sa mga mananakop. Nagpalipas siya ng magdamag sa kanilang tahananan.
Nagising siya kinabukasan at naglibot sa buong bayan.Laganap pa rin ang kaapihang dinaranas ng mga kalahi niya sa kamay ng mga mananakop.Walang nakakilala sa kanya sapagkat may suot siyang salakot.Malaya siyang nakalibot sa buong bayan. Nakakita siya ng palamuti sa buhok at naalala ang magaspang na mujer napangiti siya at ibinili ito ng palamuti.
Napagod siya sa pagliliwaliw at agad nakatulog pagbalik sa tahanan.
Kinabukasan ay nagising siya at biglang bumalikwas ng bangon.
Binatukan niya ang sarili at nagmadaling lumabas dala ang palamuting binili.Nasalubong pa niya si Theodoro at Maria ang asawa nito.
Ako'y aalis na muna subalit magbabalik ako dali-dali siyang pumanaog sa lihim na silid.
Boring si Bella dalawang araw ng wala ang binata.Wala tuloy siyang aasarin.Mukhang hindi na rin ito makakasama sa kanya sa Maynila.Sa palagay niya umuwi ito sa kanyang panahon ayon na rin kay Harvey.
Bumuntonghininga siya at binitbit ang mga gamit at pasalubong na binili. Paalis na ang kotse niya ng makita ang humahangos na lalaki dala-dala ang backpack nito.
Sandali!sandali lang!,huwag mo akong iwan ako'y sasama sa'yo!sigaw nito.
Napangiti siya habang pinagmamasdan itong kandarapa sa pagtakbo patungo sa kinaroroonan ng kotse niya.