Behind the secrets

1202 Words
Chapter 3 Mabilis siyang hinila ng binata at tinakpan ang makasalanang mata niya gamit ang isang kamay nito. Ginamit ang paa para abutin ang tuwalya sa sahig.Ipikit mo ang mga mata mo madali!tarantang sabi nito.Sumunod naman siya dito at dali nitong tinakpan ang ibabang bahagi ng katawan nito. Hoy....tapos ka na....?! Hay naku!!!!bakit ba kasi napakayummy mo....!nagkakasala ako naku patawarin niyo po ako hihi! Lumingon siya sa lalaki nakatapi na ulit ito ng tuwalya at matamang nakatitig sa kanya.Bumaba ang tingin niya sa malapad nitong dibdib pababa sa six pack abs nito....napalunok nanaman siya ng laway...angsarap.....!!!! Ang alin binibini?tanong nito.....salubong ang mga kilay nitong nakatitig sa kanya.......Ahmmmm masarap yong pandesal pag sinawsaw sa kape!oo yon nga!makabili nga mamaya ho ....!ang init sabay paypay ng kamay sa mukha. Bihis ka na...!binubusog mo ang mga mata ko ginoo...! Kabata-bata mo inaakit mo ang mga matatanda hay.... Paunmahin subalit beinte sais na ako binibini....napatingin si bella sa binata...seryoso ka...?para ka lang college student sa itsura mo...?college..?ibig mong sabihin kolehiyo?tanong nito. Oo....para ka lang nag-aaral sa kolehiyo... Nagtapos ako ng medisina pero at naging sundalo.... T-talaga...?di makapaniwalang tanong ng dalaga. Kailangan kong magsuot Ng kasuotan binibini...paumanhin wika ng binata at pumasok sa loob ng silid. Naupo siya sandali at hinintay ang binata.Napanganga nanaman siya ng lumabas ito sa kwarto at nakabihis na ito.Bagay na bagay dito ang suot na simpleng t shirt at jeans na binili niya nakarubber din ito ng puti. Para talaga itong estudyante....napakabata ng itsura sa edad nito.Lumapit ito sa kanya. Kakaiba ang mga kasuotang ito ngayon ko lang nasilayan ang mga ganitong kasuotan wala sa sariling sabi nito. Sigurado siya around 6 ft.ang height nito. Tara na....Aya niya dito at hinila ang kamay nito. Lumabas sila at nagtungo sa kanyang kotse .A-ano naman ang bagay na yan tanong nito.Tumaas ang kilay ni Bella at tumingin sa kanya.Kotse....diyan tayo sasakay... karwahe....kakaibang karwahe... Ohhhh!hinila niya ang binata at pinaupo sa tabi niya.Binuksan niya ang makina at nagdrive.Saan ba tayo pupunta saan ang bahay mo?tanong niya rito. Sa tahanan ng mga de Cordova sagot ng binata. Nilingon niya ang binata.Serious ka?nawawala ka bang kamag-anak ng pamilyang iyon?alam mo bang kamukha mo ang nag-iisang anak ng pamilya? Anong ibig mong sabihin binibini?tanong nito. Kamukha mo yong lalaki sa picture si Uno Gabrielle de Cordova!!!walang prenong sabi ng bibig niya.Kilala mo ako...?Wala sa sariling tanong ng binata. Ano kamo?di kita maintindihan.... Ako ang tinutukoy mo....Ako si Gabrielle.... Napatak siya sa preno ng wala sa oras. Ako ba pinaglalaruan mo?!naiinis na siya sa baliw na lalaking ito. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Paanong naging ikaw siya halos tatlong daang taon na ang lalaking yon?!samantalang beinte sais ka pa lang?!tigilan mo ako sa mga kalokohan mo!medyo mataas na rin ang boses niya. Sinong hindi mababaliw sa pinagsasabi ng lalaking to...,?! Tatlong daang taon....?paano nangyaring tatlong daang taon na nakaraan?nagtataka nitong taon.Lumingon ito sa paligid..kaya ba.....ibang iba ang kapaligiran ?kasuotan at mga kasangkapang nasilayan ko...? Ibig sabihin....Inilabas niya ang kwintas na orasan na kanyang leeg.Mi abuela...ito ba ang sinabi mo noon...? Kunot ang noo ni Isabella habang nakatingin sa lalaking kausap ang sarili. Ikaw.....nababaliw ka na at pati sarili mo kausap mo...?kanina sinabi mong Ikaw si Gabrielle de Cordova ngayon kausap mo naman ang sarili__ako talaga si Uno Gabrielle de Cordova Y Alonzo.. Maniwala ka man o hindi binibini.Nakatitig ng deretso ang binata sa mga mata niya. Papaano ako maniniwala sa'yo na Ikaw nga siya daang taon na nakaraan noong nabuhay ang lalaking sinasabi mong Ikaw....?! Kung ikaw siya anong patunay mo?at paanong ikaw at siya iisa.Ika lima ng disyembre 1752...pinatawan ako ng parusang kamatayan dahil sa maling paratang ng pagtataksil... Alam kong iyon na ang katapusan ng buhay ko..at tanggap ko na yon....pinaslang ang buong angkan ko.Nasaksihan ko ng malagutan ng hininga ang aking mga magulang at abuela.Saktong araw ng pagbabalik ko galing sa Europa... Bago nalagutan ng hininga ang aking abuela ibinigay niya sa akin ang bagay na ito. Ipinakita nito ang lumang kwintas na orasan.Winika niyang ito ang magdadala at magliligtas sa akin na hindi ko pinaniwalaan hanggang sa araw na barilin ako sa bayan ng mga guwardiya.....bigla na lang akong naglaho ...paggising ko ikaw ang unang nasilayan ko..... Napaawang ng bibig si Bella....Saktong tatlong araw pa lang ng makita niya ito sa silid-aralan.December 5,2022. Pero mahirap tanggapin ang pinagsasabi nito....paglalakbay sa ibang panahon?sa pelikula lang niya napapanuod ang mga ganon at hindi mag-sink in sa utak niya ang mga pangyayare.Naalala niya ang suot nito noong matagpuan ito.Napagkamalan nga niyang costume di ba dahil kakaiba at makaluma.Natutop niya ang bibig at tumingin sa lalaking nakatunghay din sa kanya. Maniwala ka sa akin hindi ako masamang tao at nagsasabi ako ng totoo. Pakiusap ihatid mo ako sa aming tahanan nagsusumamong wika nito.Wala sa loob na tumango ang dalaga at binuksan ang makina ng sasakyan.Tinungo ang daan patungo sa bahay ng mga de Cordova. Pasado alas diyes na ng gabi. Ipinarada niya ang kotse sa malaking gate ng bahay at nagdoor bell. Mukhang naninibago ang lalaki sa itsura ng bahay.I-ito na ba ang aming tahanan sa ngayon??tanong nito. Oo sagot niy.Bumukas ang gate at sumilip si Harvey...O kayo pala mam Bella... ano pong ginagawa niyo dito??tanong nito. Tuloy po kayo.......nanlaki ang mga mata nito ng makita ang lalaki sa likod niya.Napaatras ito at napaupo. Harvey....ayos ka lang?nag-aalalang tanong ni Bella sa binata. S-s-senyorito G-Gabrielle.....!!! nalilitong saad nito.Tumayo ito at hindi inaalis ang mata sa kanya.... P-pasok...tuloy po kayo....Gracias....pasalamat ng lalaki.Ikaw....sino ka....maari ko bang malaman?tanong nito.A-ako po ay mula sa pamilya ng inyong tapat na lingkod noon.... Naalala ang kanilang tapat na lingkod si Theodoro Reyes.T-too pala ang nagpasalin-saling kwento na babalik kayo .....at hindi kayo namatay....pero paano.... ?nagtatakang tanong nito. Kasalukuyan silang nagkakape sa sala. Isang hindi maipaliwanag na pangyayari Harvey....at mahirap paniwalaan at mawari. Tahimik si Isabella sa pag-?uusap ng dalawang lalaki. Ayon sa sabi-sabi ng aming mga matatanda babalik ka sa ika-5 ng disyembre 2022 mula sa taong 1752 ng parehong petsa sa gitna ng nagngangalit na kalangitan....Nanayo ang balahibo ng dalaga.Tatlong araw mula ng matagpuan niya ito at madilim ang kalangitan at umulan ng malakas.Meron pang ibang lagusan senyorito subalit ang paglalakbay sa panahon ay nangyayari lamang kada isang daang taon at Ikaw ang mapalad na nabiyayaan ng pagkakataong ito. Ang lagusan ay narito sa bahay na ito.Isa itong sekreto na pinakaiingatan ng inyong mga ninuno patuloy ni Harvey. Matatagpuan ka ng taong mula sa angkan ni.....tumingin Harvey sa kanya.May nais itong sabihin ngunit pinilit na lang manahimik muna. So....totoo nga bulong niya sa sarili.Maari bang ako ay tulungan niyo at ituro ang mga kalakaran sa panahong ito.Tumingin si Gabrielle sa kanila ni Harvey. Tumango siya. Matutulungan kita pero kailangan mong baguhin ang pangalan mo....hindi mo maaring gamitin ang kinasanayan mo.Walang maniniwala sa'yo kung magpapakilala kang tao galing sa 17th century. Mayaman ka kaya madali nating magagawan ng paraan.Tumango-tango naman si Harvey.Tama po ang suhestiyon ni mam Bella senyorito. Pag-?aaralan mo lahat ng mga kagamita,pananalita,kilos,pananamit etc...Mukhang matalino ka naman kaya di ka mahihirapan mahaba niyang paliwanag. Kung gayon....magtitiwala ako sayo aking binibini. Ibinigay ni Harvey Ang isang lumang aklat na pag-aari ng kanilang pamilya.Diyan nakasulat ang mga sikreto at kababalaghan ng bahay at pamilya niyo senyorito.Kinuha niya ito at nagpasalamat kay Harvey.Mukhang marami siyang dapat matutunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD