3rd Person's Point Of View* Nagkatitigan silang dalawa nang makita ni Josephine na tumatawag ang Dad niya ngayon sa cellphone niya. Napalunok si Josephine at di niya alam kung ano ang sasabihin ngayon. Napansin naman ni Hades na nagpapanik na si Josephine kaya lumapit siya at niyakap niya ito na kinahinto ni Josephine. "I'm always here by your side. Wag kang kabahan." Napatingin naman siya sa Nobyo at hinalikan siya nito sa noo. Dahan dahan namang tumango si Josephine at sinagot ang tawag. "Bakit ang tagal mong makasagot, Josephine!" Nagulat si Josephine nung sinigawan siya ng Ama niya. Hindi naman ito ang unang beses na sinigawan siya nito pero nahihiya siya dahil nasa harapan niya ngayon ang Nobyo niya. "Why are you calling, Dad?" "Nasaan ka? Bakit hindi kita makita sa mansion n

