Kryne's Point Of View* Next week... siya pa mismo ang nagsabi na next week ang kasal nila. Si Dio pa mismo. Tiningnan niya ako na wala man lang maski isang emosyon sa mukha niya. Napakagat ako sa labi ko at pinipigilan ang luha na lalabas sa mga mata ko. Gusto kong magsalita pero bakit walang lumabas sa bibig ko? Nawala ang dila ko! Tiningnan ko si Josephine na nakayuko at di makatingin sa akin ng diretso. Wala akong maintindihan sa nangyayari ngayon. "Oh, nandito ka pala, Lady Kryne." Napatingin ako sa Emperor na nakatingin pala sa akin. Napatingin din ang mga Magulang ni Josephine sa akin. "Oh, you must be the Assistant of our future Son-In-Law." Kumirot ang puso ko sa narinig. Bakit niya sinasabing Son-in-law? Tiningnan ko si Dio na nakatingin pa din sa akin. "Yes, but I'm n

