Kryne's Point Of View* Nabalitaan namin na pinatay na si Luis at si Claudius mismo ang gumawa ng bagay na yun. Nag aalala ako sa mag ina at lalo na kay Logan dahil di na nito makokompleto ang Pamilya na pinapangarap niya dahil namatay na ang Ama niya. Nakita ko si Brother Hades na nakatayo sa may terrace at mukhang malalim ang kanyang iniisip ngayon. Lumapit ako sa kanya at sumandal ako sa terrace at tiningnan siya na kinapansin niya sa akin. "Baby Sister..." "Brother Hades, ayos lang ba si Logan at ang Ina niya?" tanong ko sa kanya. Kasi nakikita ko na malungkot din siya at mukhang nasasaktan siya na nakikitang malungkot si Logan. "He's not okay. Lalo na si Tita Estella." "Kahit na ikaw ay hindi din okay." Nakikita ko sa mga mata niya na may emosyon din siya kay Luis kahit na g

