Kryne's Point Of View* "Gising na! Patulog tulog pa!" Napakunot ang noo ko nung may sumigaw at nung tingnan ko na nasa harapan ko ay yung isa sa nga lalaking kumuha sa amin. "Kryne, we're here," mahinang salita ni Dio sa akin at tumango naman ako at inanalayan niya akong umupo sa gilid at sinamaan niya ng tingin yung lalaki sa harapan niya. "Anong tingin tingin mo diyan?! Gusto mong masaktan!" Akmang hahampasin niya ng b***l si Dio pero agad namang sinipa ni Dio ang binti nito na kinatumba nito. "You!" sigaw nito at puputukan sana si Dio pero agad namang pinigilan ng kasamahan nito para di mabaril si Dio. "Hoy, anong ginagawa mo! Pag malaman ng Captain natin ang ginagawa mo ay malalagot tayo. Pera na yan oh! Sasaktan mo pa!" "Tsk. Humanda ka sa akin. May araw ka din!" Dinuro duro

