Araw ng graduation ko hinihintay ko na magpakita si Manuel. Pero natapos na lang ang graduation hindi ko man lang nakita kahit anino nito. Kaya malungkot ako habang pauwi kami. Naghanda ng maliit na kasiyahan sa bahay si tita. "Wag ka ng malungkot siguro marami lang inaasikaso si Manuel kaya hindi nakarating." Sabi ni tita na walang alam sa nangyari ngumiti na lang ako sa kaniya. Kinabukasan Tinang hali ako ng gising kasi sa kakaiyak ko magdamag. Nakaramdam ako ng kalam ng sikmura. Numangon akot nagbihis at bumaba. Nagulat si tita sa pag baba ko. "oh Jhanin bumangon ka pa. Ihahatid na lang ni Nena ang pagkain mo." Sabi ni tita na pinipilit akong bumalik sa kwarto. "Hindi na tita sa dining erea na lang ako kakain, salamat na lang" Sagot ko naman sa kaniya. Wala na itong nagawa ng luma

