Taon na ang lumipas, halis isang taon at kalahating buwan. Matapos ang ganap na iyon, naging magulo at mahirap na sa akin ang mga sumunod na nangyari. Nang mawala si Manager Yuu, unti-unti ding nawala anag career ko bilang isang musician. Tadhana ko na siguro iyon. Hindi ko naman ginusto ito pero mahirap pala kapag nasanay kana. Na-araw araw gigising ka para magperform sa harap ng maraming tao. Maraming nagaabang at gusto marinig ang tugtog, tagahanga, manonood. Lahat iyon gunuho. Sunod-sunod na ang naging kalbaryo sa buhay ko simula nang umalis siya. Una na doon ang pagkaubos ng ipon ko, wala na akong maiabot na pera sa mga magulang ko dahil natigil lahat ng commercial at mga events na pinupuntahan ko at sa unang buwan ko, naging dilema an

