Isang malalim na panaginip. Iyon ang pumasok sa isip ko ng magising ako sa maaliwalas na kwarto. bawat sulok nito ay nasisinagan ng araw mula sa labas ng bintana. Parang may mali, bakit wala akong maalala sa nangyari kagabi? Balak ko sanang bumangon sa higaan ng may maramdaman akong kakaiba sa katawan ko. Masakit ang likod ko at hirap akong igalaw ang binti ko. Sa tuwing kikilos ako, may kakaibang pakiramdam sa tiyan ko. ‘Anong nangyayari sakin?’ isip-isip ko. Lalo akong nagtanong sa sarili ko ng makita kong hubad kong katawan ng tangalin ko ang kumot na nakatalukbong sakin. Marami din akong galos at pasa. Ang iba pa ay hikeys sa leeg at binti. Nasaan ako? Wala akong maalala sa nangyari kagabi. Kailangan kong matukoy kung nasaan a

