ZEF POINT OF VIEW
"Arrgghhhh!!!" Sinabunutan ko buhok ko habang nagpapagulong gulong sa sarili kong kama.
Hanggang ngayon hindi parin nawawala sa isip ko ang nangyari sa amin, buong araw ng linggo ang nakalipas pero hanggang ngayon sariwa parin sa isipan ko mga nangyari. Pumasok ako ng lunes, umaasa na hindi ko siya nakita pero epic failed.
Buong araw ko siya hindi kinibo na para bang walang nangyari sa aming dalawa. Lumipas ang araw na hindi ko siya nakakausap. Nagtext na ako sa kanya na bukas na kami mag-usal tungkol sa research. Kailangan ko munang matulog ng maaga para makaharap ko si Simon at makapagreview kami ng maayos para sa research. Pero mukang malabong mangyari iyon matapos ang nangyari sa amin.
Lasing lang ako nang mga panahong iyon, siguro. Pilit kong kinakalimutan ang nasa pagitan naming naming dalawa pero* s**t lang! Kinikilabutan ako kapag naalala ko ang reaksyon habang may nangyayari sa amin.
Sabog na sabog na talaga ako.
Pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa, iniwan ko na siya sa kanyang kwarto mag-isa. Syempre bago ako umalis, malinis kong iniwan ang kwarto para hindi magtaka kung bakit makalat.
Ang lakas nang kabog nang dibdib ko, pakiramdam ko hihiwalay ang puso ko sa katawan ko. First time ko iyon at hindi ko alam kung bakit ako nagpadala sa init nang katawan ko. Kainis.
Iniwan ko nalang siya doon noong matapos akong magligpit ng kalat, mabuti hindi siya nagising.
Ang malas at natiyempuhan pang wala na akong masakyan dahil noong umalis ako sa bahay niya. Kaya No choice ako at naglakad ako pauwi kahit bawat hakbang ko, dumadaing ako sa sakit. Bugbog sarado na nga ang katawan ko, muntikan pa akong kagatin ng aso sa kanto pauwi. Malas talaga.
Paano nalang kung nagstay ako sa bahay niya? Paano kung gumising na siya at ipagtabuyan niya ako palayo kalag naalala niya ang nangyari? Isumpa, o baka ipagkalat sa buong school ang nangyari sa aming dalawa? Wala siya sa katinuan noon, ganoon din ako. O bala isipin niya na pinagsamantalahan ko siya
Paano na ako?
Kumikirot dibdib ko. Hindi ko kayang makarinig ng rejection, sobrang sakit. Lalo na kung maririnig ko mismo sa kanya. Siya ang puno't dulo nito nang lahat. Hindi ko na alam gagawin ko.
Gusto ko maiyak.
Tatayo sana ako para kumuha ng tubig nang biglang nagring ang cellphone ko. Pagtingin ko, si Simon* tumatawag sa messenger. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko. Para akong aatakihin sa puso sa kaba nang hawakan ko ang cellphone ko. Kamay ko, namamasa na sa nerbyos, anong nang gagawin ko?
Ica-cancel ko sana ang tawag pero dahil basa na ang screen dahil sa pamamawis ng kamay ko, na-click ko ang answer button. Ang malas naman oh.
"Zef?" biglang nangilabot ang katawan ko nang marinig ko ang boses niya. "Nandiyan kaba Zef?" hindi iyon ang typical na cold voice niya. May kakaiba sa tono ng pananalita niya, ang amo. Kailangan ko kumalma, kailangan kong kumalma. Pagilang beses na kasi siyang tunatawag at, isang beses palang akong nagttetext sa kanya— tungkol pa ito sa project. "Speak up, alam kong nandiyan ka. Kailangan nating mag-usap." ngayon seryoso na siya.
Huminga ako ng malalim at, "Simon, nakikinig ako."
"Why you're not answering my calls? Kailangan na kailangan kita para makapagreview tayo sa defense. Alam mo namang kailangan na natin 'tong matapos bago ang project this week—" bigla siyang nahinto sa pagsasalita, “Dahil ba ito sa nangyari sa atin?”
Nahuli niya ako.
Huminga ako ng malalim at saka sumagot, "Sorry Simon, masama ang pakiramdam ko ngayon. Mag-usap nalang tayo sa susunod na araw." sambit ko sa kanya. hindi ko akalaing nakapagsinungaling ako kanya.
Rinig ko ang mabigat na paghinga niya, "May problema ba? Baka pwede akong makatukong sayo. Please, consider mo naman ako kahit kaibigan lang. Nagyon lang ako nag-alala ng ganito—”nararamdaman ko na ang frustration niya, nagbabasag ang boses niya habang nagpapaliwanag.
"Wala." tipid kong sagot. Lalong nagiging akward ang usapan namin. Kailangan ko na agad putulin ito bago pa lumalim, “Sorry—”
"Please, hayaan mo naman akong makisawsaw sa buhay mo. Gusto ko mainvolve para makilala pa kita.”
Argh, ayoko nang ganitong usapan, “Sinabi nang wala bakit ba ang kulit mo?” sobra na ata mga sinabi ko. “Sorry, i mean—”
“Hindi mo ba nagustuhan ang nangyari sa atin?”
Bawat salitang binibitawan niya, ang bigat sa loob. Hindi ko masabi ang lahat ng gusto kong sabihin, baka iba maging reaksyon niya. Gusto kong i-kuwento kung anong nararamdaman ko sa kanya, gustong gusto pero hindi ko magawang sabihin sa kanya— nag-aalinlangan amk.
"Alam ko alam mo kung ano ang mga sinabi ko saiyo nang gabing iyon. Hanggang ngayon napapaisip parin ako kung may pag-asa parin ako sayo.” ngayon, mas mahina ang sambit niya. Hindi ko kaya ito, masyadong mabigat ang usapan namin. Suminghap ako ng hangin at saka,
"A-ano bang pinagsasabi mo Simon, wala lang iyon. Masama pakiramdam ko, may lagnat ako. Wag ka na mag-alala, nagtatake na ako mg meds anytime gagaling na din ako. Like what i text earlier, bukas nalang tayo mag-usap— medyo masakit na din ang ulo ko. Magpapahinga muna ako—”
"Dalawang araw na akong gising, insomia. Hindi ako natulog para mausap ka ng maayos. Iniiwasan mo ako sa tuwing lalapit ako sayo. Kapag umuupo ako sa tabi mo, lumilipat ka ng upuan. Sa tuwing magtatagpo ang mata natin, sa iba ka tumitingin." para akong nabagsakan ng hollow blocks sa ulo habang sinasambit niya iyon, at tahimik lang ako, "Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon? Sobrang sakit. Tapos sasabihin mo wala lang. Ano 'yun?"
"Simon*"
"Ipaalam mo naman sakin kung may problema ba para hindi ako nanghuhula kung anong nangyayari sayo. Nagmumuka akong tanga sa kakahintay sayo matapos ang ginagawa mo. Siguro nga walang halaga sayo ang pagiging partner natin dalawa sa project na 'to." Hindi ko alam kung anong irereact ko. Wala akong masagot sa sinabi niya dahil kahit kailan, itong konsensya na nararamdaman ko masyadong bago sa akin. Nasa point na ako ng buhay ko na gusto ko nang maglaho na para bang bula sa hiya. "Mukang tama nga ako.”
"Simon makinig ka, wala problema sa ating dalawa. Busy lang ako kanina then sumama ang pakiramdam ko. Wala ako sa mood ngayon para mag review kaya pakiusap, gusto ko nang magpahinga." paliwanag ko. Nagsinungaling na naman ako. Gusto kong sabihin ang lahat. Gustong gusto ko. Hindi naman kasi talaga iyon ang nangyari, “Bakit ko kailangan sabihin sa iyo lahat? Mag-alala ka sa akin parang syota kita.”
Matapos ko sabihin iyon, bigla kong naalala ang nangyari noong isang araw— bago ako pumasok sa school nakita ko siya na may kasamang iba.
HABANG naglalakad ako, hindi parin mawala ang sinasabi sa akin ni Simon. May dalawang oras lang akong tulog sa kakaisip ng mga napag-usapan namin hanggang ngayon hidni ko parin maintindihan kung bakit ko nasabi iyon. Walang mali sa sinabi ko, pero pakiramdam ko hindi tama ang mga binitawan kong salita.
‘Hayst.’ kasunod noon ang mga bugtong hininga habang naglalakad ako papasok sa school.
Bago pa ako makapasok sa school, nakita ko Simon sa isang iskinita* may kausap, isang babae. Hindi ako pwede magkamali, kasama niya ang Student Council President, si Audrey. Umiiyak siya habang nasaharap ni Simon* wala akong idea kanina kung ano bang nangyayari sa kanila.
May usap-usapan sa school na nagliligawan ang dalawa. Narinig ko iyon sa mga usisera kong classmate na nakapalibot palagi sa kanya.
Sino ba naman kasing hindi hahanga kay Aubrey, hindi lang siya basta mabait sa mga kaschoolmate niya, hindi lang basta considerate, mabait pa. Plus na iyon maganda siya at talaga namang agaw lansin. Ang balita pa sa kanya, anak siya nang isang business tycoon na nagmamay-ari nang malaking modeling agency. Is ana namang weird na mayaman na nag-aaral sa school na ito.
Walang wala ako kung ikukumpara ako sa kanya. Bagay silang dalawa ni Simon, magkaparehas sila nang social status.
Tatahimik na nalang sana ako pero kainis, hindi ko mapigilang mag-usisa sa kanilang dalawa. Gusto ko marinig ang usapan nila kaya naisipan kong magtago sa poste malapit sa kanila. Dinig sa kinatatayuan ko ang linaw nang usupan nila. ..
Nagsisi ako, sana hindi nalang ako nakinig sa kanila. Ang sakit. Nang sabihin ni Audrey na, "Mon, don't do this to me. You knwo hoe much i love you. Please wag kang lumayo. Promise, I'll do everythings masatisfy ka sa akin. Wag mo lang ako iwan pakiusap, hindi ko kayang mawala ka. Mamamatay ako." bigla niyang niyakap ni Simon at nagsimulang humangulgol. Nakakatakot mga sinabi niya, sobrang nakakatakot.
Hinawakan siya sa balikat, "Audrey. Sorry but I don't feel the same way and I will never loved you. We've talked about this right? It's time for you to move on." cold na lagkakasabi ni Simon after noon natahimik sila.
That words kill me.
"But.. I thought you loved me. Diba nagdadate na tayo lastweek and kilala kana ng parents ko. Wala naman akong nakikitang masama kung mag e-expect ako na maglevel-up ang relationship nating dalawa*" natigil si Audrey nang hawakan siya ni Simon sa magkabilang balikat.
"Sorry Audrey, may mahal na akong iba." may nagmamahal kay Simon pero nireject niya. Hindi ko sila kinaya makita. Masakit. Nagkadahilan akong umalis nang matagpuan ko silang magkayakap at naghahalikan.
Ang sakit, sobrang sakit. Ang sakit sa mata makita silang dalawa. Umalis ako at iniwan silang masaya habang ako, unting unting nagkakagripo ang puso ko.
“Tama. Hindi dapat ako mag-alala. Wala lang sayo lahat nang nangyari kagabi. Tapusin nalang natin ang project. Pumasok ka bukas, mag-usap tayo nang maayos.” matapos niya sabihin iyon, ibinaba niya ang tawag.
Nag-iwan iyon sa patalim sa dibdib ko hanggang sa pagtulog ko.
* * *
Kinabukasan, late na akong pumasok sa kakaisip ko sa sinabi ni Simon. Ang daming gumugulo sa isipan ko. Alam kaya ni Simon ang nangyari sa amin? Mamaya wala siya sa sarili kaya ginawa iyon. Anong kaya magiging reaksyon niya?
Arrrgghh! Ayoko ng ganitong pakiramdam!! Ang weird!
Tulad ng kahapon, hindi ko siya pinansin buong araw ng klase namin. Wala akong ganang kausapin siya kahit saan pa patungkol iyon, di ko alam kung bakit ako dumidistansya sa kanya. Maski mga classmate ko ay hindi nagtangkang kausapin ako. Maiintindihan naman nila ako, noong isang araw pa ako wala sa wisyo makipag-usap.
Ang tanging nasa isip ko lang, ”May mahal nga ba siyang iba? Sino?”
Sino kaya* bakit ko ba tinatanong sarili ko. Nagseselos ba ako? Nagseselos? ”f**k, hindi ako nagseselos!” bakita ko magseselos, lalaki ako, lalaki siya. Hindi porket may nangyari sa amin may panghahawakan na ako, isang gabi lang iyon at kailanman hindi na mauulit. s**t lang, may sakit na ako sa utak. Malala ito.
Ayoko ng ganito.
Ilang oras na ang lumilipas, walang ibang laman ang utak ko kundi ang uspan naming dalawa ni Simon kagabi. Lutang na lutang ang utak ko. Sa totoo lang, ngayon lang saakin nangyari ito. Nakikita ko ang sarili ko kay Audrey, sobrang kirot sa dibdib.
Paano kung ako ang nasa sitwasyon niya? Anong gagawin ko?
"Zef.." Natauhan ako nang may tumawag sa pangalan ko kasabay nang pahring ng bell.
Paglingon ko nasa harap ko siya. One inch away sa muka ko, "S-simon!"
Bumulong siya sa tenga ko, ramdam ko ang kilabot sa bawat pagbigakas niya ng pangalan ko. Matalim ang tingin niya sa akin kasabay nang maririin na salitang binitawan niya, “Me. House. Tonight. Zef." then he smirked bago siya umalis ng classroom.
Heto na naman ako, mamayang gabi sa nasa bahay na naman ako ni Simon. Mali talaga ito, kailangan ko ng tapusin 'to bago pa lumala ang sitwasyon naming dalawa.
ITUTULOY...