Herald POV Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang lakas ng loob para harapin si Ross sa oras na yun. Bakit ba kasi hindi ko nahalata na may pakulo palang nalalaman itong si Excel. Promise, nayanig ang damdamin ko nang makita siya. Nakailang lunok ako ng laway habang papalapit pa ako sa kanila ni James. Pero hindi ko rin matatanggi na lihim kong na ihiling na sana ay makita ko siya rito. Yun marahil ang dahilan kung bakit nagkaroon ako ng lakas ng loob. Ang pagnanais kong makita siya. Idagdag pa natin ang hindi maipintang mukha ni Ross na sa tingin ko ay wala ring alam sa pangyayari. Bakas ang pagkabigla sa mukha nito. Kaya sa halip na lalo akong kabahan ay napalitan iyon ng aliw habang pinagmamasdan siya. Nakaramdam ako ng kunting awa dahil sa nagmukha siyang kawawang bata na

