Herald POV "Tita, kanina pa po ba kayo? Pasensya na po tinapos ko pa po kasi yung order na cake." Paghihingi ko ng dispensa sa babaeng naka-upo. Isinisigaw ng aura nito ang pagiging class. Well, what do you expect sa reyna ng mga Villaroman. Humalik ako sa pisngi niya ng makalapit na ako at umupo sa isang bakanteng upuan. "Nako, wala iyon, Herald. Ako nga dapat ang humingi ng sorry at pumunta ako rito ng walang pasabi." Sagot nito. "Naku tita naman kahit araw-araw po kayong pumunta ng hindi nagsasabi ay wala pong problema." Matagal tagal na rin mula ng huli kaming magkita ni tita Claire, amg mama ni Ross. Ganun pa man ay hindi nagbago ang pakikitungo nito sa akin. She always make me feel part of her family. "I dropped by para kamustahin ka. I was not able to check you f

