Heralds POV "Casper, asan na ba ang amu mo?" Tanong ko sa aso ni Mickey. Nasa malapit na park kami ngayon. Nag-aya kasi ang kambal na magjo-jogging daw dahil mas prefer ko ang maglakad ay ako ang may hawak kay Casper. Matagal na rin kasing hindi nakakalabas ang isang ito. Naging busy na kasi ang mga tao sa bahay. Tinahulan lang ako ni Casper sabay wave ng buntot nito. Simula pa naman nang una kaming magkita ng asong ito ay napalapit na ako sa kanya. Napaisip tuloy ako kung mag-alaga na din ako ng sariling aso. Pero wala akong alam kung anung magandang alagaan. Askal siguro ok na. "Oy, bat ngayon ka lang? Nakailang ikot na kami." Si Mickey. Nagpupunas na ito ng pawis habang nakaupo sa isang bench. Si Harvey ay hindi ko alam kung nasaan. "Sabi ko naman diba, mag lalakad lang

