His Father's Secret Ross POV Mag-aalas kwatro na ng madaling araw ayon sa orasang pambisig ko. Ilang minute nalang at lilipad na ang eroplanong sinasakyan ko. Muli akong tumingin sa bintana at pinagmasdan ang mga ilaw sa di kalayuan. Napahinga ako ng malalim. Hindi ko alam kung anu ang maaabutan ko sa patutunguhan ko ngayon ngunit disidido na akong gawin ang lahat upang tigilan na ako ng papa ko. Ito na ang huling beses na hahayaan ko siyang gamitin akong instrument sa kanyang business venture. Walang nakakaalam na aalis ako ngayon patungong America maliban sa ilang mga taong pinagkakatiwalaan ko. Salamat sa isang taong nag-alok ng kanyang tulong ay nagkaroon ako ng lakas ng loob. Hindi ko tuloy maiwasang tignan ang wallpaper ng cellphone ko. Nakadisplay doon ang picture namin

