Herald POV "Friendship!!!" feeling ko ay mabubutas ang ear drum ko sa lakas ng boses ng lokaret kong kaibigan, walang iba kundi si Lorilai. Kararating ko lang sa bus terminal sa isa sa terminal dito sa Pampanga. Dapat sana'y kasama ko si Ross, pero dahil may kailangan siyang daluhang summit sa Singapore, kaya heto at mag-isa akong lumuwas. Death aniversary ni Nanay bukas kaya kinailangan kong magpadasal sa bahay. "Anu na naman, Lorilai." Nakangiwi kong wika nang makalapit na ito sa kinatatayuan ko. "Wala pa bang nagsasabi sayo na kara kang babaeng nakalunok ng speaker? Diyos ko, ilang metro lang ang layo natin sa isa't isa kung makasigaw akala mo naman." "Sorry naman, friendship naexcite lang ako. Alam mo naman na matagal na din tayong hindi nagkikita." wika nito sabay ha

