“s**t ang gwapo”
“Sino yan?”
“Omg kakilig”
“Wahh pogii”
“Cool ni kuya”yan lang ang naririnig ni Vlann dito sa hallway, kanina niya pa hinihintay ang fiancé niya kuno hindi niya alam ang number ng dalaga kaya hindi niya ito matawagan at kanina pa siya tanong ng tanong sa mga estudyante na naririto pero wala siyang makuhang sagot kapag lalaki ang tinatanong niya hindi nila naman daw ito kilala at kapag babae naman tinititigan lang siya.
Pangalang Shalihiya lang ang alam niyang information ng dalaga kaya kapag nagtatanong siya pangalan lang ng dalaga ang nababanggit niya kaya walang makasagot sa kaniya.
“Do you know Miss Shalihiya?... umm Shalihiya Mercedes yeah Shalihiya Mercedes?”hindi pa siguradong tanong niya sa isang binata.
“N-no I don’t”nauutal na sabi ng binata, napaka intimidate kasi ng aura niya kaya natakot siguro ito. Natawagan pa niya ang mama para lang itanong kung anong apilyedo ng dalaga at nalaman niyang Scott pala kaya ng itanong niya sa isang Janitor ayon pinuntahan ito sa 2nd floor ng building dahil naroon daw ang dalaga nagtuturo.
“Napakaganda talaga ni ma’am noh? Bagay na bagay sila ni Neil kaya lang may fiancé na raw ito”
“Oo nga bagay sila bet na bet ko pa namn sila” rinig niyang usapan ng dalawang estudyante dahil nakasuot ito ng Id habang naglalakad kinikilig ang mga ito pero ng dumako ang tingin nila sa kaniya nakanganga ang mga ito. Nang banggitin nila ang pangalang Neil naisip niya ang matalik na kaibigan noong senior high pa siya dito sa Saatchi University, his former school.
Neil din ang pangalan nito pero imposible naman kung ang tinutukoy nilang Neil ay ang matalik niyang kaibigan dahil madaming may pangalang Neil at saka iba ang department nito kasi Engineer ang kurso nito ani niya sa sarili pero nagsalubong ang kilay niya ng makita ito na may kinakawayang babae, nakatalikod sa kaniya ito kaya hindi niya nakikita ang itsura nito. White polo and black fitted jeans ang suot, so totoo nang si Neil nga ang pinag uusapan nong dalawang babae.
Kasintahan niya siguro ang kinakawayan na sa isip niya, hindi parin nagbago ang matalik na kaibigan gwapo parin ito at maskulado. Na sa dulo siya ng hallway medyo malayo kay Neil kaya lumakad siya patungo doon para kamustahin ang kaibigan kahit naman magkaiba sila ng paaralan hindi nawala ang pagkakaibigan nila may koneksyon parin sila thru social media.
Nang malampasan ang nakatalikod na dalaga saka naman ito humarap kaya hindi niya nakita ang mukha nito, tinawag niya ang kaibigan at nahinto naman ito sa paglalakad.
“Danniel!”dumagundong ang baritonong boses ng binata sa hallway kaya lahat ng naroon napatingin sa gawi nila
“OH MY GOD kaibigan ba yan ni Neil? He’s handsome”
“Exactly”
“Siguro dahil pareho naman silang gwapo”pag uusap ng mga estudyante niya napairap na lang siya, anong connect ng pagiging gwapo sa pagiging pakikipagkaibigan? Usal niya sa sarili. Tiningnan niya ang dalawa na nag uusap, mga ilang metro lang ang layo niya sa dalawa kaya ng tumingin sa gawi niya ang binata ganon na lang ang pagbilog ng mata niya.
“Yong lalaki sa ilog”naibulalas niya pero mahina lang ganon din ang reaksyon ng binata pero kalaunan nakabawi rin at bumalik din ang ekspresyon nitong lageng seryuso at nakaka intimidate.
“Rha come here”tawag sa kaniya Neil kaya naman sinunod niya ito at bumalik sa pwesto niya kanina habang nag uusp sila.
Samantala nangunot naman ang noo ni Vlann ng makita ang dalaga, anong ginagawa niya rito? Dito ba siya nag aaral at paanong naging kasintahan ito ni Neil, diba may anak at asawa na ito? Yong isa sa mga binata ng mga Mercedes? Nag tatakang tanong ni Vlann sa sarili.
“Rha remember him? Classmate natin noon!”tanong ni Neil sa dalaga nangunot noo naman ang dalaga at parang nag isip, nagtaka rin naman siya. Kung ganon naging classmate niya rin pala ang dalaga pero wala siyang maaala na Rha ang pangalan, tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa pagkatapos sa mukha naman at doon niya lang napagtanto kung sino ito.
Isa ito sa mga kaibigan ni Lilian at Ness pero hindi naman niya ito lubos naa kilala dahil ang laki ng pinagbago nito mula sa pangangatawan at pananamit, tumangkad ito at naging makurba ang katawan gumanda ito lalo at hindi nakaligtas sa paningin niya ang dalawang nagsisilakihang dibdib nito halos hindi siya makapaniwala na ito yong classmate niya na si Sherra Scott kabilang sa grupo ng mga SPG girls.
Pero ganon rin naman siya malaki din ang pinagbago niya kaya hindi nga siya nakikila ni Neil kung hindi niya lang sinabi dito na siya si Hendrick Vlann Walton hindi pa siya nito maaalala.Napababa na lang ng tingin ang dalaga ng pagmasdan siya ng lalaki alam niyang sinusuri siya nito kaya sahig na lang ang tinitigan niys. Nakaramdam kasi siya ng hiya dito dahil grabe ito kung makatitig nakakapanlambot ng tuhod.
“Rha si Hendrick Walton, Henz si Sherra Scott classmate natin.”Pagkarinig niya ng pangalan nito saka lang niya naalala ang binata. Ang laki kasi ng pingbago nito kung cold at nakaka intimadaite ito noon mas sumubra ngayon. Naalala na niya, ito classmate niya sa senior high si Hendrick Vlann Reenzouk Walton ang snobero sa kanilang klase, matalino ito at talented.
Sa katunayan naging exchange student ito noong grade 11 pa sila kaya hindi niya naging classmate ito nonng grade 12 na sila dahil sa US na ito nag aral mula noon wala na siyang balita sa binata.
“So Rha, already remember?”nag angat siya ng tingin kay Neil at tumango pgkatapos hinarap si Vlann.
“Hi Henz long time no see”kahit naasiwa ang dalaga sa hindi malamang dahil gusto pa rin naman niyang batiin ang binata, napaka rude naman kung hindi niya ito kakausapin. Kaya inabot niya ang kamay dito para makipag shakehands na ginantihan din naman ng binata.
“Now see now”Nang sandaling maglapat ang kanilang mga kamay ay nakaramdam sila ng kuryente mata kaya parang napapasong binawi nila ng mga ito. Nagsalubong ang kanilang mga mata at kapwa sabay ding nag iwas ng tingin.
“Umm I think I have to go, may klase pala ako mamaya.”Tumango lang si Sherra kay Neil ganon din si Vlann kaya aiwan ang mga ito sa hallway ng walang imikan. Nakakarinding katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa wala ng tao sa hallway dahil time na ng klase napabuntong hininga na lang ang dalaga hindi niya alam kung paano kakausapin ang kasama.
“Umm musta kana?”nautal niyang panimula tinitigan lang siya nito kaya nailang naman siya.
“Are you married?”matigas nitong sabi sa kaniya habang tinitigan siya ng mariin.
“Seriously, sa lahat ng tanong bakit iyan pa? Wala bang hi muna diyan?”kahit kinakabahan na, nasabi niya ito ng hindi nauutal to enlighten the mood pero ang binata mas lalo lang nangunot ang noo nito na para bang naiinis.
Wala siyang nakuhang sagot dito makalipas ang ilang sandali, pagkatapos walang paalam itong umalis at tinalikuran siya pero hindi pa man ito nakakaalis ng pinigilan niya ito. Maybe he wants her to answer his question, right? And she will.
Naiinis ang binata sa hindi niya malaman na dahilan. ‘Sa paglalaalam ko may asawa na ito at anak kaya kung may asawa na ang dalaga bakit kasintahan niya rin Neil? Baka naman pinagsasabay niya ang dalawa’ ani ng isip niya kaya naman tinanong niya ito kung may asawa ito pero iba ang sinagot nito sa kaniya kaya labis siyang nainis.
‘Ayaw lang naman niyang masaktan ang matalik na kaibigan kaya siya nagkakanito right?’sa isip niya ulit. Aalis na sana siya ng may biglang kamay na pumigil sa kaniya dahilan para mahinto siya sa paglalakad.
“No, alrihgt? Wala akong asawa”pagpapaliwanag nito sa kaniya animo’y kasintahan siya na ayaw ma misunderstood ang isang bagay na makakapaghiway sa kanila bilang magkasintahan, tiningnan niya ang kamay nito na nakahawak sa kaniyang kamay. Nang mapansin ito ng dalaga ay agad itong bumitaw sa pagkakahawak sa kaniya na para bang napapaso ito sa mainit na bagay at umiwas ng tingin sa kaniya kaya mas malaya niyang napagmasdan ang maamo at maganda nitong mukha.